• Home
  • Fresh Scoops
  • May ilang eksena na kukunan abroad ang pelikula nina Angelica Panganiban at Coco Martin na ‘Love Or Money.’

Shoot ng pelikula ni Coco Martin at Angelica Panganiban, resked dahil sa nCov

May ilang eksena na kukunan abroad ang pelikula nina Angelica Panganiban at Coco Martin na ‘Love Or Money.’

BY
Jeff Fernando
Follow me on Twitter: Jeff Fernando

FRESH SCOOPS

02/03/2020 04:00 PM
Shoot ng pelikula ni Coco Martin at Angelica Panganiban, resked dahil sa nCov

Kanselado ang mga flights ng Kapamilya stars na sila Coco Martin at Angelica Panganiban na pupunta sana sa Dubai, UAE para sa shoot ng kanilang pelikula na “Love Or Money.”

READ: Coco Martin, ipinakilala ang bagong leading lady

Kasunod ito ng patuloy na pangamba sa kumakalat ngayon na novel coronavirus o nCov.


Sa naging desisyon ng Star Cinema, mas minabuti nito na kanselahin muna ang paglabas sa Pilipinas ngayong February 3 ng staff at crew ng pelikula.

Ang “Love Or Money” ay ang unang pelikula na pagsasamahan nina Coco at Angelica na minsan nang nagkasama sa numero unong Kapamilya teleserye naAng Probinsyano.” 

Inaasahan na sa unang bahagi ng 2020 mapapanood ang “Love Or Money” sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.