• Home
  • Fresh Scoops
  • Gazini Ganados nagkwento tungkol sa unang pagkikita nila ng ama

Gazini Ganados nagkwento tungkol sa unang pagkikita nila ng ama

Hindi man nagwagi na masungkit ang Miss Universe crown, para na ring nanalo ang model at beauty queen na si Gazini Ganados matapos makilala ang kanyang nawawalang ama sa wakas.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/3/2020 8:42 AM
Gazini Ganados nagkwento tungkol sa unang pagkikita nila ng ama


Photo credit: @gazinii on Instagram

Hindi man nagwagi na masungkit ang Miss Universe crown, para na ring nanalo ang model at beauty queen na si Gazini Ganados matapos makilala sa wakas ang kanyang nawawalang ama.

screenshot from cosmo.ph

Sa panayam ng ABS-CBN News sa ginanap na JAMS Stop model beauty pageant, kung saan tampok si Gazini bilang isa sa selection committee, nagkwento ang 24-year-old tungkol sa unang pagkikita nila ng kanyang long-lost father na lumipad pa umano mula sa India.

"He messaged on our Facebook page. It's owned by me and my boyfriend, and so my boyfriend set it up. He traveled a long way from India," kwento ni Gazini.

"Parang teleserye" naman kung ilarawan ng beauty queen ang nasabing meet-up nila ng kanyang Palestinian dad.

"[Overwhelming]. Mixed emotions po. Parang teleserye. Even when I didn't win Miss Universe, I feel like I won the universe," aniya.

Samantala, ibinahagi rin ni Gazini kung ano ang napag-usapan nila ng kanyang ama sa una nilang pagkikita. 

"I told him that I never had a grudge, and I thank him for the good genes," biro niya.