• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Joshua Garcia, naniniwalang kailangan mag workshop lagi para ma-‘refresh’ ang acting

EXCLUSIVE: Joshua Garcia, naniniwalang kailangan mag workshop lagi para ma-‘refresh’ ang acting

Joshua Garcia: ‘Yung pag-arte, kahit kailan hindi ko naman mama-master yan.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/29/2020 11:50 AM
EXCLUSIVE: Joshua Garcia, naniniwalang kailangan mag workshop lagi para ma-‘refresh’ ang acting


Photo credit: @garciajoshuae IG

Inamin sa PUSH ni Joshua Garcia na second movie na pala niya sa Regal Entertainment ang film adaptation ng Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan mula sa mystery novel na sinulat ni Bob Ong.

Ayon sa kuwento ng aktor sa PUSH, napasama na siya noon sa pelikula ni Maja Salvador na You’re Still The One pero napakaliit lang daw ng exposure niya dito.

“Kapatid ako ni Ate Maja sa You’re Still The One at parang dalawang frames lang ako do’n lumabas,” natatawang kuwento at pagre-recall ni Joshua.

Co-producer ng Regal Entertainment ang Blacksheep Productions sa Mga Kaibigan ni Mama Susan kaya hindi na naging mahirap para kay Joshua ang mag-adjust sa kanyang katrabaho.

“Feeling ko naman okey din naman silang katrabaho kasi parehas lang din naman kami na gustong makagawa ng magandang pelikula. Parehas lang silang mga passionate gumawa ng pelikula, so parang feeling ko same vibe din,” reaksyon pa niya.

So far, ayon pa rin kay Joshua, okey ang working relationship nila ng director ng pelikula na si Chito Roño. Lahad ng aktor, “Tina-try ko naman yung best ko na maging smooth lahat, ‘di ba? Try ko yung best ko na hindi siya pasigawin, na maging magaan lang yung set.”

Ibinahagi rin sa PUSH ni Joshua na kinailangan niyang bumalik sa acting workshop bago sinimulan ang syuting ng Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan.

“Yung pag-arte, kahit kailan hindi ko naman mama-master yan. Yon nga mga beterano na sa showbiz feeling ko hindi pa rin nila na-master yung acting. Pero meron silang tinatawag na auto pilot acting—may ganung acting, eh. Yung parang normal na acting lang.

“Pero may mga scenes kasi na mahihirap din talaga, na kailangang pag-aralan. Every time naman na may gagawin akong project nagwo-workshop ako. Bumabalik ako do’n para ma-refresh.

“Para kasing ano yung emosyon ko, eh… parang makina na kailangan munang painitin ulit. Kaya bumalik ulit ako sa workshop para lang uminit ulit yung emosyon, kasi mas masarap umarte kapag hindi totoo yung nararamdaman mo.

I mean, kung masaya ka ngayon tapos pagdating mo sa set iiyak ka, ang hirap umiyak. Oo, iiyak ka, magpapatulo ka ng luha pero hindi mo nararamdaman. Iba pa rin kapag nararamdaman mo yung bawat sinasabi mo, yung bawat titig mo sa kaeksena mo,” tuluy-tuloy na paliwanag ni Joshua sa PUSH.