• Home
  • Fresh Scoops
  • Nais rin ni Carlo Aquino na maging magkaibigan pa rin sila ni Angelica Panganiban.

Carlo Aquino, nasa plano na ba magpakasal sa non-showbiz girlfriend?

Nais rin ni Carlo Aquino na maging magkaibigan pa rin sila ni Angelica Panganiban.

BY
Kiko Escuadro
Follow me on Twitter: Kiko Escuadro

FRESH SCOOPS

02/27/2020 11:16 AM
Carlo Aquino, nasa plano na ba magpakasal sa non-showbiz girlfriend?

Aminado ang Kapamilya actor na si Carlo Aquino na nasa tamang edad na siya para pag-usapan ang kasal sa kaniyang non-showbiz girlfriend na si Trina Candaza.

Matatandaan na 2019 nagsimulang umugong ang balitang pakikipagdate ni Carlo kay Trina na tila naging ugat nang hindi nila pagkakaunaawan ng ex-girlfriend na si Angelica Panganiban na kaniyang magkasama sa pelikulang Exes Baggage.

READ: Carlo Aquino, nag-post ng litrato kasama ang napapabalitang nobya


“Siyempre oo, oo kasi nasa tamang edad na ako e, 34 na ako e. Titingnan natin sa mga susunod na buwan, taon,” sabi pa ni Carlo sa naging panayam ng press.

Ayon kay Carlo, nakikita na niya sa kanyang future si Trina na makakasama niya habambuhay.

“Ummh, oo, final answer,” masayang tugon ng aktor.

Aniya, nag-iba ang kaniyang pananaw sa buhay simula nang naging bahagi si Trina nito.

“Nag iba ‘yung outlook sa buhay, mas magaan, mas happy, wala naman siguro sa tagal ‘yun,” sabi pa ng aktor.

Inamin ni Carlo na hindi pa niya nakakausap si Angelica mula nung nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan.

“Hindi pa kami (nagkikita) Pero sa mga events, hi hello,” aniya.

Paliwanag ng aktor, wala siyang sama ng loob kay Angelica matapos ang mga naging pahayag nito sa kaniya.

READ: Angelica Panganiban, binigyang linaw ang pag-alis ni Carlo Aquino sa ‘Playhouse’

“Wala, wala sa akin ha sa side ko, wala, kasi matagal na rin naman kaming magkakilala e.”

Gayun pa man, umaasa pa rin si Carlo na maging magkaibigan pa rin sila ni Angelica.

“Oo kasi sayang e, totoong tao naman si Angge, mabait. Kahit ‘yung friendship lang.”

No regrets rin daw si Carlo sa ginawa nilang proyekto ni Angelica.

“Wala wala, no regrets. Kasi nung ginagawa naman naming ‘yun masaya naman kami,” aniya.

At kung tatanungin naman kung handa ba siyang makasama muli si Angelica sa isang proyekto, sagot ni Carlo: “Hindi ko pa alam, kung gugustuhin pa nila ‘yun (to work together) kung may mga violent reaction, pero sa tingin ko okay naman pero hindi pa siguro ngayon.”

Sa ngayon, napapanood si Carlo gabi-gabi sa A Soldier’s Heart sa ABS-CBN.