• Home
  • Fresh Scoops
  • Bayani Agbayani: ‘Sabi ni Bea kapag nanganak si Thalia kanya na lang ‘yung anak’

Bayani Agbayani: ‘Sabi ni Bea kapag nanganak si Thalia kanya na lang ‘yung anak’

Comedian Bayani Agbayani says he’s excited to be a lolo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/27/2020 5:20 PM
Bayani Agbayani: ‘Sabi ni Bea kapag nanganak si Thalia kanya na lang ‘yung anak’


Photo credit: @beaalonzo on Instagram

“Napakasaya.”

Ganito inilarawan ni Bayani Agbayani ang regalong baby shower ni Bea Alonzo para sa panganay niyang anak na si Thalia Rogacion.

Buntis kasi ngayon si Thalia sa nobyo nitong si James Carlos na kapatid naman ng aktres.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

More photos from yesterday ❤️ @niceprintphoto #AhoyItsSANTIboy @james.aec @thaaaaaaaal

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on

 

Sa “Magandang Buhay” nitong Huwebes, nagkuwento ang komedyante tungkol sa nasabing okasyon na dinaluhan ng kanyang magi-ina, pati na ng pamilya ni Bea.

“Napakasaya, nandoon sina Bea. Ang mapapangasawa kasi ni Thalia na si James ay kapatid ni Bea Alonzo. Dalawa lang silang magkapatid,” paliwanag ni Bayani. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Sibling Love ❤️ #btravels #coron

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on

 

“Kamukha ko 'yung mapapangasawa niya, si James,” biro pa ni Bayani.

Ayon kay Bayani, isa lamang ang baby shower sa dami ng regalo ni Bea para sa kanyang nakababatang kapatid at kay Thalia.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

So, yesterday was a special day for our family. I threw a baby shower for my sister, Thalia. It was a beautiful celebration. Our family, friends and loved ones just all wanted to shower this future mama with all the love that she deserves! Congratulations James and Thalia! Your journey as parents will soon begin, and I know you two will do a very good job raising my nephew. 😍❤️❤️ We are all very excited! ❤️ @james.aec @thaaaaaaaal . . . . Special thanks to @partydollmanila for helping me arrange this super cool nautical party! ⚓️ Love and kisses also to the following! You guys are the best! ❤️ Photo: @niceprintphoto Styling: @diannekhudesigns Cake and desserts: @sweetcreationsbymums Giveaways: @smugzle Catering: @creamerycatering Thank you!!!🥰 #ahoyitssantiboy

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on

 

“Alam mo ba ang niregalo ni Bea, lahat ng regalo namin tinumbasan niya ng tatlong beses. Ang dami, iba-iba hindi na nga nabuksan sa dami,” dagdag ni Bayani.

Hindi na rin daw umano makapag-antay ang aktres sa nalalapit na kasal ng mag-nobyo. 

 

 

“Naku, tuwang-tuwa nga si Bea. Alam mo sabi ni Bea kapag nanganak si Thalia kanya na lang 'yung anak,” ani Bayani.

Samantala, maging ang aktor ay hindi na rin maitago ang kanyang pagkasabik sa nalalapit na pagdating ng kanyang apo. 

“Natuwa ako kasi ang bata ay gift 'yan sa atin ng Panginoong Diyos. Nasa edad na rin naman si Thalia at saka tapos na naman sila. Si James ay tapos na rin, nagtatrabahp po sila at may negosyo na sila. Naku, ako excited po ako sa apo ko," ani Bayani.

“Alam niyo in-enroll ko na sa school, naka-enroll na siya advance ang bilis. Binilhan ko na siya ng jersey na pang-basketball,” dagdag pa niya.

Sa tanong kung ano ang naging payo niya kina Thalia at James, sagot ng komedyante:"Alam mo sabi ko nga kay James at Thalia, 'Thalia, James napakabata niyo pa, sayang marami pang mga magaganda at pogi kayong makikilala.' 

“Pero dahil tapos na naman po si Thalia ng college at isa na siyang chef, sabi ko sa kanya, 'kung mag-aasawa kayo dapat ay panindigan niyo habambuhay ay kayong dalawa ang magmamahalan, habambuhay kayong dalawa ang maganda at guwapo para sa mga paningin niyo.’”