• Home
  • Fresh Scoops
  • Mauuwi na rin ba sa kasalan ang relasyon nina Arjo Atayde at Maine Mendoza?

Arjo Atayde, nagkuwento tungkol sa leveled-up relationship nila ni Maine Mendoza

Mauuwi na rin ba sa kasalan ang relasyon nina Arjo Atayde at Maine Mendoza?

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/27/2020 10:44 AM
Arjo Atayde, nagkuwento tungkol sa leveled-up relationship nila ni Maine Mendoza

Hindi itinanggi ng aktor na si Arjo Atayde na mas panatag at mas tumibay ang relasyon nila ng girlfriend na si Maine Mendoza.

Kasunod ito nang pinagdaanan ng kanilang relasyon na lagpas isang taon na ngayon.

READ: Maine Mendoza says “Yes To Arjo” after “No To Arjo” trends online


READ: Maine Mendoza, celebrates first anniversary with Arjo Atayde

“We’re just so happy. We’re going stronger and stronger, every year were getting better,” sabi pa ni Arjo sa panayam ng press sa launch ng Beautéderm kung saan ambassador si Arjo.

Ayon pa sa aktor, komportable at maganda na rin ang samahan ni Maine at nang kaniyang mga magulang.

“Napa-Tala niya ang daddy ko,” masayang sabi ni Arjo.

READ: WATCH: Arjo Atayde, Maine Mendoza dance to Sarah Geronimo’s ‘Tala’

Gaya ng mga mga magulang ni Arjo, close rin daw ang aktor sa pamilya ni Maine.

“Okay naman po, sobrang bait po ng daddy niya and very welcoming po and sobrang bait rin po. I love them, mabait po sila. Wala po akong masabi sa kanila.”

Dahil sa naging trending na kasalan nila Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, hindi rin naiwasan na itanong kay Arjo kung napag-usapan na nila ni Maine ang kasal.

“Obviously, I’m at that age already. I had nothing to hide. Yes, we talk about it so I said nga this is my love story, this is me, this is it for me, and you know we just have commitments and we still have things to do. And being here with each other throughout the years we just grow stronger. Eventually we’ll get there,” paliwanag ng aktor.

October ng 2018 nang unang mapabalita ang relasyon ni Maine at Arjo.