'Hindi pa': Jane Oineza sa real score nila ni RK Bagatsing

Mabilis na sinagot ni Jane Oineza ang tanong kung sila na ba ni RK Bagatsing.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/26/2020 10:12 AM
'Hindi pa': Jane Oineza sa real score nila ni RK Bagatsing


"Hindi pa," ang mabilis na sagot ni Jane Oineza sa mga momshie hosts, nang tanungin siya tungkol sa real score ng relasyon nila ni RK Bagatsing. Sa kaniyang pag-guest sa Magandang Buhay nitong Martes, February 25, sinabi ni Jane na bukas siya sa lahat ng posibilidad pagdating kay RK.

"Wala naman akong sinasara, hindi ko rin naman pinipigilan. Wala rin naman akong hinahanap. Kung darating, darating," paliwanag ni Jane.

Jane Oineza, dahilan nga ba ng hiwalayan ni RK Bagatsing at ng kanyang girlfriend?

Bida sa bagong pelikula na Us Again sina Jane at RK. Ito ang unang movie project nila bilang magkatambal, matapos ang teleseryeng Araw-Gabi noong 2018.

Sa parehong interview aminado si Jane na masaya siya ngayon at mas pokus na siya sa sarili.

"Gusto ko lang talaga mag-focus—ako naman, self ko naman, sarili ko naman ang unahin ko. Happy ako sa kung ano ang nangyayari sa akin. Happy ako sa kung sino ako ngayon, masaya ako," ani ng aktres.