• Home
  • Fresh Scoops
  • Gillian Vicencio, inaming na-insecure siya noon dahil sa height

Gillian Vicencio, inaming na-insecure siya noon dahil sa height

‘Kailangan ko po siyang talagang tanggapin na lang,’ inamin ni Gillian Vicencio na dati siyang nai-insecure dahil sa height niya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/26/2020 10:01 AM
Gillian Vicencio, inaming na-insecure siya noon dahil sa height


Aminado ang bagong film actress mula sa RISE Artist Studio na si Gillian Vicencio na minsan na siyang na-insecure dahil sa kaniyang height.

"Siyempre kasi kapag matangkad ka marami kang nari-reach, tapos ako pa yung last name ko Vicencio, kapag nasa pila ako nasa dulo ako. Tsaka dati kasi nai-insecure ako kapag sinasabihan ako na mukhang bata kasi siyempre gusto ko ring makasabay sa mga ka-age ko na pumorma," pahayag ng aktres sa press sa naganap na blogger's conference ng RISE Artist Studio.

Sa ngayon, mas tanggap na ni Gillian ang sarili sa height na 5 feet, kahit na madalas siyang binibiro na 'cute'.

"Ngayon po, na-overcome ko naman na po siya kasi tanggap ko na rin po kung ano yung strengths and weaknesses ko. Kailangan ko po siyang talagang tanggapin na lang kasi eto ako e. Tsaka parang ang dami ko rin pong pwedeng gawin ngayon, I mean may perks din yung pagiging maliit," paliwanag niya.

READ: ‘Eerie’ actress Gillian Vicencio, may nakakatawang kuwento sa kaniyang unang pagsama sa international screening

Isa si Gillian sa pitong bagong film actresses na ipinakilala ng artist management ng ABS-CBN Films.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

RISE #RiseArtistsStudio #RASxStarMagic #StarMagicPhils #grateful MUA: @janellcapuchino HAIR: @jaymarlahaylahay

A post shared by Gillian Vicencio (@_gillianvicencio) on

 

Una siyang nakilala sa kaniyang pagganap bilang Erika sa horror movie na Eerie. Nagkaroon na rin siya ng pinagbidahang digital series na Kargo, na mapapanood naman sa iWant.