• Home
  • Fresh Scoops
  • Tony Labrusca describes ‘love scene of his dreams' in ‘Hindi Tayo Puwede’

Tony Labrusca describes ‘love scene of his dreams' in ‘Hindi Tayo Puwede’

Tony Labrusca explains why his love scene in ‘Hindi Tayo Puwede’ stands out.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/25/2020 12:06 PM
Tony Labrusca describes ‘love scene of his dreams' in ‘Hindi Tayo Puwede’


May love scene at kissing scene si Tony Labrusca kay Lovi Poe sa pelikula ng Viva Films na Hindi Tayo Puwede na idinirek ni Joel Lamangan at showing sa March 4, 2020.

Unforgettable pa rin para sa mga nakapanood ng Glorious kung gaano katindi ang kissing scene ni Toni sa aktres na si Angel Aquino at aminado ang aktor na baka ganun pa rin ang asahan sa kanya ng mga tao kaya nagbigay na siya ng hint na hindi raw ganun katindi ang kanyang ginawa sa bagong movie.

Ani Toni, “Di ba, yon na nga minsan yung parang… since nakita nila na ganun kagrabe yung kissing scene ko sa Glorious so  parang lagi na lang nilang ini-expect yung ganun.

“Tapos minsan, kinakabahan din talaga ako na parang, ‘Shocks, kailangang sobrang ganda ng kissing scene na ito.’ Kasi ang taas na nung expectation nila, eh, di ba? Pero wala, yung ginawa namin ni Lovi parang I don’t even remember. Hindi ko nga maalala, eh.”

Ibinahagi rin ni Tony na ang ginawa nila ni Lovi sa Hindi Tayo Puwede ay maituturing niyang “love scene of his dream.”

“Kasi when I think of a sex scene I want to see two people na alam mo yung kahit sex yung nakikita mo, ikaw mismo pag pinapanood mo siya kinikilig ka, kasi nakikita mo yung passion, yung love nila para sa isa’t isa. And I love it when I see people playing with shapes, figures and shadows and glimpses, parang that leads your imagination running wild.

“I’m just so excited nga for all of you to see that scene para ma-judge n’yo rin, kasi sobrang beautiful, eh. As I was watching it, I was like, ‘Wow, ang ganda.’

“Nakikita mo talaga na these two people are in love. It takes away the sex part and it adds more na parang these two are madly in love with each other, parang ganun and it’s so beautiful,” paliwanag ng aktor.

First time nakatrabaho ni Tony si Direk Joel Lamangan kaya kinumusta namin ang working experience niya sa batikang director.

“Nung first day, sinabi ko sa driver ko and sa RM ko na kailangang sobrang aga namin  sa set. So medyo OA lang kasi one hour before the call time nando’n na ako. Tapos may isang scene kami na parang kailangan kong umiyak tapos hindi ko magawa kasi akala ko tight shot na.

“Tapos pinatawag ako ni Direk don sa kuwarto. Sabi ko, ‘Eto na, sasampalin na ako ni Direk.’ Pero sobrang bait ni Direk kasi lahat nung mga tanong ko, lahat nung mga concern ko – he was guiding me. When I was confused he was telling me, he was clarifying what the character was going through para mas maintindihan ko.

“And what I really like is pag ginagawa mo yung best mo or you’re trying your best to understand what Direk is saying. He is a very collaborative director. He didn’t make me feel like I was stupid, so I tell everybody this who aske me and I honestly had such an enjoyable experience  working with Direk Joel,” kuwento ni Tony.