• Home
  • Fresh Scoops
  • JM De Guzman, emosyonal sa mensahe ng ama, inalala ang dating alitan na tumagal ng dalawang taon

JM De Guzman, emosyonal sa mensahe ng ama, inalala ang dating alitan na tumagal ng dalawang taon

“I always wanted to be strong like you,” emosyonal na nag-iwan ng mensahe si JM De Guzman para sa kaniyang ama.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/25/2020 9:22 AM
JM De Guzman, emosyonal sa mensahe ng ama, inalala ang dating alitan na tumagal ng dalawang taon


Hindi napigilan ng Pamilya Ko actor na si JM De Guzman ang maging emosyonal habang sinasabi ang mensahe niya para sa ama, sa Magandang Buhay nitong Lunes, February 24.

Matapos mapakinggan ang audio message mula sa ama, sinagot ni JM na natigil na lang dahil hindi napigilan ang luha.

"I always thrive to be like you since I was a kid because you showed me how to be strong how to be a dad to all of us. I admire how you handle yourself. I always wanted to be like that, be strong like you. Basta I love you. Thanks for the kind words. I'll always make you proud. I'll do my best," pahayag ni JM habang naging emosyonal din ang ina mula sa studio audience.

JM De Guzman on changing for the better: ‘ABS-CBN gave me hope’

Sa parehong interview din sa morning talk show ikinuwento ni JM ang relasyon niya sa ama simula nang bata siya.

"Nung bata ako, sobra kasi akong takot sa kaniya e. Hindi talaga ako sumasagot, as in zero response. Siguro nang tumanda na ako ng mga 21 o 22, doon ako nag-start na sumagot. Pero masakit sa akin na sumasagot ako, at pumapalag na ako. Pero gusto ko lang din iparating sa kaniya yung nararamdaman ko. Kasi parang nasu-surpress lang siya e, so sinasabi ko sa kaniya," kuwento ni JM.

Ayon pa sa aktor, may isang alitan sila ng ama na umabot ng dalawang taon bago maayos, at kinailangan pa ng gabay ng isang professional.

"Yung huling away namin, took us two years to process everything. Kasi yung 'hukay' is malalim, since bata ako e. So may kinailangan na mag-mediate like social worker para mag-meet halfway, magkaroon ng empathy," pagpapatuloy ni JM.

JM De Guzman recalls how his dad helped him get his life back on track

Mapapanood si JM sa teleseryeng Pamilya Ko sa Primetime Bida.