• Home
  • Fresh Scoops
  • Arielle Roces, minsan nang na-reject sa ramp modelling dahil sa pagiging morena

Arielle Roces, minsan nang na-reject sa ramp modelling dahil sa pagiging morena

“From that, doon ko minahal ang pagka-morena ko,” ikinuwento ni Arielle Roces ang isang harsh experience niya sa isang audition para sa ramp modelling.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/24/2020 8:45 AM
Arielle Roces, minsan nang na-reject sa ramp modelling dahil sa pagiging morena


Photo credit: @arielleroces on Instagram

Binalikan ng RISE Artist Studio film actress na si Arielle Roces ang isang harsh experience niya sa isang audition noon para sa ramp modelling. Sa naganap na blogger's conference nitong Sabado, February 22, ikinuwento ni Arielle na ang isang pagsubok niyang mag-audition para sa isang fashion show.

"It's been my dream talaga to be a ramp model. Ever since I was young siguro six or seven nanonood na ako ng mga fashion show networks. By the time I was thirteen, parang merong Philippine Fashion Week audition and my mom was there with me. Tapos nung nandun na ako, inentertain naman ako hanggang makapasok ako sa loob.

"Ang sabi sa akin ng mga agents doon, parang 'Sorry you're not that tall. Can you see your height, you're only 5'6 and a half. And you're not white'. Kasi morena talaga ako since then. From that, doon ko minahal ang pagka-morena ko, kasi matagal ko siyang ikinahiya," kuwento niya sa press.

READ: ‘She remembers my name’: Arielle Roces, inalala ang experience nang makatrabaho si Sarah Geronimo

Ayon kay Arielle, naging motivation niya ang naturang experience para paglaanan ng effort ang pagpapaganda ng kaniyang katawan.

"So from that day --can you believe it I was only 14 when I started working out na, until now. And mas pinahalagahan ko yung self ko. Lagi akong 5AM gumigising para mag workout," pagpapatuloy niya.

Malaki rin daw ang naging papel ng ina ni Arielle sa kaniyang career ngayon. Ayon sa kaniya, tinuturing niyang 'ultimate stage mom' ang ina.  

"When she says na parang 'You're 5'8 you're not 5'6' even though I'm really 5'6, sasabihin mo sa mga tao you're 5'8. And I feel like I'm 5'8. And she says na 'You have to wear skirts, you don't wear pants, you have to show your legs' then I do it.

"Even though it's annoying, I hate it, but I can't help it because she's my mom and I believe whatever she says. Even though we always fight, parang everything I do I depend my success on what she says. Usually ang mga nanay ang magsasabi sa atin ng totoo, our parents," paliwanag ni Arielle.

 

 

Bukod sa ramp modelling, pinasok din ni Arielle ang pagiging beauty queen noon kung saan ay dalawang beses siyang naging grand-winner.

"Although yung mom ko mas push talaga sa pageants, [ako] gusto ko mag-focus na lang sa commercials, mas easier pa yon kasi stressful ang mga preparations pag pageant e. And pero kung sabihin ng management na 'Arielle, why don't you join Bb Pilipinas or something', let's push it why not," pahayag ng aktres.

Sa ngayon, mapapanood si Arielle sa iWant original movie na 'You Have Arrived', kung saan ay kasama niya sina Elise Joson at Barbie Imperial. Aabangan din si Arielle sa mga bagong pelikulang ilalabas ng ABS-CBN Films.