• Home
  • Fresh Scoops
  • Dahil sa experience na ito, nagsimula nang idolohin ni Arielle Roces ang Popstar Royalty Sarah Geronimo.

‘She remembers my name’: Arielle Roces, inalala ang experience nang makatrabaho si Sarah Geronimo

Dahil sa experience na ito, nagsimula nang idolohin ni Arielle Roces ang Popstar Royalty Sarah Geronimo.

BY
PUSH TEAM
Follow me on Twitter: PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/23/2020 11:18 AM
‘She remembers my name’: Arielle Roces, inalala ang experience nang makatrabaho si Sarah Geronimo
Photo credit: @riseartistsstudio and @justsarahg on Instagram

Mabilis na sinagot ng RISE Artist Studio's new artist na si Arielle Roces ang pangalan ni Sarah Geronimo nang tanungin kung sino sa mga local artists ang tinitingala niya.

Sa naganap na blogger's conference ng RISE Artist Studio nitong Sabado, February 22, ipinaliwanag ni Arielle kung bakit ang Popstar Royalty ang lagi niyang naiisip sa tuwing tinatanong siya.

"Laging pumapasok sa isip ko si Sarah Geronimo. Kasi she's calm, she's kind, relaxed and focused. And ang tagal na niya sa industriya lagi siyang nasa peak ng career niya. Hindi siya tulad ng iba na nalalaos. Wala siyang issues," paliwanag ni Arielle.


WATCH: New Star Magic artist Arielle Roces, nagpa-sample ng kaniyang Darna audition

Ikinuwento rin ni Arielle ang isang experience kung saan ay nakatrabaho niya si Sarah para sa isang commercial project.

"I've worked with Sarah five years ago, as her support and we were in Batangas for five days. And then I recently worked with her two months ago, and ayoko siyang kausapin kasi feeling ko nakalimutan na niya ako, pero I was surprised sabi niya sa akin, 'Hi Arielle, kumusta ka na?' She remembers my name. And so parang ako 'Oh my gosh, you remember me?' sabi niya, 'Oo naman ang dami-dami mong commercial,’" kuwento ng aktres.

Isa si Arielle sa mga pitong female artists na ipinakilala ng bagong artist management arm ng ABS-CBN Films. Bukod kay Arielle, aabangan sa mga pelikula sina Gillian Vicencio, Belle Mariano, Charlie Dizon, Daniela Stranner, Kaori Oinuma, at Vivoree Esclito.

Sa parehong blogcon din, ibinahagi ni Arielle ang ilang lalaking artistang gusto niyang makatrabaho. Binanggit niya ang mga pangalan nina Derek Ramsey, Gerald Anderson, at Sam Milby.

READ: Elisse Joson, Arielle Roces and Barbie Imperial to star in the iWant original thriller You Have Arrived

"Gusto ko rin ng action kasi I love working out kasi gusto ko yung mga trainings like what we did in my first film na 'We Have Arrived' from iWant. We had a training for two weeks before doing the film and I really enjoyed it a lot," paliwanag niya.