• Home
  • Fresh Scoops
  • Inalala ni Kaori Oinuma ang pinagdaanan noong nag-audition siya sa Japan para sa ‘Pinoy Big Brother Otso’.

‘Hindi pa rin siya nagbabago’: Kaori Oinuma, ipinaliwanag kung bakit iniidolo niya si Maymay Entrata

Inalala ni Kaori Oinuma ang pinagdaanan noong nag-audition siya sa Japan para sa ‘Pinoy Big Brother Otso’.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/23/2020 11:48 AM
‘Hindi pa rin siya nagbabago’: Kaori Oinuma, ipinaliwanag kung bakit iniidolo niya si Maymay Entrata
Photo credit: @maymay (R) on Instagram

Para sa Pinoy Big Brother Otso alumna na si Kaori Oinuma, isa si Maymay Entrata sa mga dahilan kung bakit niya ginustong sumali sa reality TV show. Sa naganap na blogger's conference nitong Sabado, February 22, ipinaliwanag ni Kaori kung bakit niya pinili si Maymay sa mga iniidolo niyang artista.

"Bago pa lang ako mag-PBB nakikita ko na siya na nangangarap, tapos sabi ko parang gusto ko ring makapasok ng PBB, tapos isa rin siya sa dahilan kung bakit gusto ko makapasok ng PBB noon.

"Hanggang ngayon kasi parang hindi pa rin siya nagbabago, ganon pa rin siya. Nakasama ko na siya sa PBB once, and natural lang and ang simple niya, parang di pa rin siya artista kahit sobrang taas na niya rin," paliwanag ni Kaori.


Parehas na nagmula si Kaori at Maymay sa nabanggit na reality TV show. Taong 2016 nang masungkit ni Maymay ang pagiging big winner ng PBB Lucky 7. Habang si Kaori naman ay isa sa Big 4 ng PBB Otso Batch 1.

"Sobrang sarap niya ring kausap and yung mga words niya, minsan parang sobrang gaan lang ng usapan pero mayamaya biglang lumalalim na lang nang hindi mo napapansin," dagdag ni Kaori tungkol sa kapwa niya PBB alumna.

Sa parehong blogcon din, ikinuwento ni Kaori ang pinagdaanan sa kaniyang audition sa PBB sa Tokyo, Japan. Kuwento ng bagong Rise artist, muntikang hindi na siya matuloy sa audition dahil sa layo ng lugar at walang pamasahe.

"The week before the audition doon ko lang nalaman na may audition. Tapos yung venue ng audition mula sa bahay ko, parang 6 hours ride ng bullet train, ganoon kalayo. Tokyo kasi yung audition.

"After school yon ng Friday 6PM ako umalis ng bahay, nakarating ako ng Tokyo mga 12MN, ako lang mag-isa. Hindi ko na sinama si mama kasi wala kaming pamasahe," kuwento ni Kaori.

 

READ: PBB Otso housemate Kaori Oinuma receives a YouTube Silver Button Award

Isa sa pitong female artists si Kaori na ipinakilala ng RISE Artist Studio, isang artist management arm ng ABS-CBN Films. Kasama niya sa kaniyang batch sina Arielle Roces, Belle Mariano, Charlie Dizon, Daniela Stranner, Gillian Vicencio, at Vivoree Esclito.