• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinabulaanan ni Matteo Guidicelli ang alegasyon ng body guard ng pamilyang Geronimo na siya ay nakipag-away dito matapos matunton ng ina ni Sarah Geronimo ang venue ng kanilang secret wedding.

Matteo Guidicelli: ‘Wala akong sinuntok’

Pinabulaanan ni Matteo Guidicelli ang alegasyon ng body guard ng pamilyang Geronimo na siya ay nakipag-away dito matapos matunton ng ina ni Sarah Geronimo ang venue ng kanilang secret wedding.

BY
PUSH TEAM
Follow me on Twitter: PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/22/2020 08:28 AM
Matteo Guidicelli: ‘Wala akong sinuntok’
Photo credit: @matteog on Instagram

Naging malakiing usapan kahapon, February 21, ang naging alitan umano ni Matteo Guidicelli sa bodyguard ng pamilyang Geronimo na si Jerry Tamara dahil sa pagsisiwalat nito ng detalye ng kanilang pagpapakasal ng lihim ni Sarah Geronimo. 

Sinabi  ng security detail, sinuntok siya ni Matteo matapos nitong mainis sa pagdating ng ina ni Sarah sa venue ng kasal at sinisi siya umano sa 'pag-leak' ng impormasyon tungkol dito. 

READ: Matteo Guidicelli gets into an altercation after accusing man of leaking details of wedding to Sarah Geronimo


Sa ulat ni Mario Dumual para sa ABS-CBN News nilinaw ng aktor na di siya nanuntok noong araw na iyon, taliwas sa kwento ni Tamara. 

"Wala akong sinuntok," sabi nito sa phone interview. 

Nagpasalamat din si Matteo sa mga nagpadala ng well-wishes sa kanilang mag-asawa.

Noon pa mang simula ng kanilang pag-iibigan ni Sarah noong 2014, hindi na linggid sa kaalaman ng publiko na hindi magkasundo si Matteo at magulang ng Popstar Royalty, lalo na ang ina nitong si Divine.

Sa isang Instagram post matapos ang kanilang engagement, humingi din ng paumanhin si Matteo sa magulang ni Sarah para sa mga di pagkakaintindihan at nangakong aalagaan niya ang kasintahan.

READ: Matteo apologizes to parents of Sarah for ‘events’ in the past, vows to give Sarah a happy life

"Mahal na mahal ko po si Sarah. Mahal ko din po kayung magulang nya at mga kapatid nya. Hangad ko po na maging isang pamilya tayo. Pangako ko po na aalagan ko si Sarah na kapareho ng pangangalaga nyo sa kanya."