• Home
  • Fresh Scoops
  • Inihayag nina Coco Martin, Jericho Rosales at ng ilan pang mga artista ang kanilang mga saloobin sa pag-rerenew ng prangkisa ng ABS-CBN.

Coco Martin, Jericho Rosales at iba pang mga artista nakiisa sa rally para sa ABS-CBN

Inihayag nina Coco Martin, Jericho Rosales at ng ilan pang mga artista ang kanilang mga saloobin sa pag-rerenew ng prangkisa ng ABS-CBN.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/22/2020 09:36 AM
Coco Martin, Jericho Rosales at iba pang mga artista nakiisa sa rally para sa ABS-CBN
Photo credit: @ericjohnsalut IG (L)

Nitong Biyernes ng gabi, February 21, nakiisa ang ilang mga artista sa mga empleyado ng ABS-CBN at sumama sa rally upang magdasal na maipagpatuloy ang prankisa ng Kapamilya Network. 

Sa mga panayam sa rally, sinabi ni Ang Probinsyano star Coco Martin ang kaniyang mga saloobin tungkol sa isyu at umaasang patuloy ang pagmamahayag sa ere ng ABS-CBN.

"Unang una nakikiisa ako sa mga nagtatrabaho sa ABS-CBN. Sabi ko nga po napakalaki ng utang na loob ko napakalaki ng naitulong sa akin ng network. Hindi ko hahayaan na isang araw, magigising na lang ako na yung pinagkakautangan ko ng loob, pinagkakautangan ng maraming empleyado ng utang na loob, na nagbibigay sa amin ng hanap buhay upang matupad ang aming mga pangarap ay mawala na lang bigla," bungad na sabi ni Coco sa kanyang interview sa TV Patrol. 


Pagpapatuloy niya, "Andito kami para ipakita na nagkakaisa kami hindi para maghanap ng gulo, para mang hamon sa kahit na anong laban, andito kami para humingi ng tulong para ipanalangin na sana bigyan ng linaw ng kalooban, ng pagiisip ang Senate at ang mga bumubuo ng magbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN. Kinakailangan namin ipakita ang suporta, di lang kami mga empleyado, kundi lahat ng Pilipino. Kasi di natin dapat pigilan ang mga tao na makapagsalita, kelangan maging malaya pa din tayo na kung ano ang opinyon natin, saloobin natin, kelangan nmapanindigan at masabi natin kung anong nararamdaman natin sa mga nangyayari sa bansa."

Si Jericho naman, na 23 years nang nagtatrabaho sa ABS-CBN, sinabing di lamang mahalaga sa kanya ang TV station kundi sa maraming tao na napapasaya at natutulungan nito. 

"Wala akong dahilan para hindi sumama dito, nandito lang ako para makisama sa pakiki-usap sa pakiki-apila, humihiling na sana 'wag tapusin ang prangkisa ng ABS-CBN. Hindi lang sa akin e, hindi lang sa karera ko, hindi lang sa bahay namin, sa mga kaibigan namin sa loob, at maiintindihan natin kung gaano karaming tao sa loob, hindi lang yung mga taong nasa loob kundi pati yung pamilya ng mga nasa loob, pamilya ng pamilya, tungkol sa kinabukasan. 

"Para sa akin nasa linya ako ng pag-entertain, maraming tao ang nagsasabi sa akin na 'wag kang tumigil sa paggawa ng TV series o anuman, dahil nabibigyan mo kami ng pag-asa, nabibigyan mo kami ng hope,' kumbaga yun yung mga bagay na nagbibigay sa amin, sa akin at sa aming mga artista para sumigi pa, sige lang, sige lang, kaya nakikiisa ako sa mga tao dito. 

"'Di kinakailangan ng violence o anuman 'di ba? Mula sa puso lang talaga namin, mahalaga sa amin ang kumpanyang ito, ang ABS-CBN. Mahalaga ang media para sa amin hindi dahil may gusto tayong sirain, buwagin o anuman, ang punto ng lahat ng bagay na ito ay magkaisa-isa tayo, kasaganahan, kapayapaan, katalinuhan kung anu-anu pa na kabutihan diba, para sa akin yun ang dahilan kung bakit ako nandito," sabi ng Halik star. 

Bukod kina Coco at Jericho, naroon din ang ilang Kapamilya stars tulad nina Empoy, Mon Confiado, John Prats, Angel Aquino, Jaime Fabrigas, Raymart Santiago at Rowell Santiago, pati na rin ang Star Magic artists na sina Shaina Magdayao, Nikki Valdez, Jayson Gainza, Barbie Imperial at Dominic Ochoa.