• Home
  • Fresh Scoops
  • Mas maaga sa inasahan ang kasalan umano nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Ogie Alcasid, Regine Velasquez, at Gary Valenciano, may special participation sa Sarah Geronimo-Matteo Guidicelli wedding?

Mas maaga sa inasahan ang kasalan umano nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/21/2020 12:36 PM
Ogie Alcasid, Regine Velasquez, at Gary Valenciano, may special participation sa Sarah Geronimo-Matteo Guidicelli wedding?
Photo credits: @reginevalcasid & @garyvalenciano IG, @ABSCBNNews Twitter

Expect anytime soon, tila mas napaaga umano ang kasalan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na maalingasngas na ikakasal sana sa darating na March ngayong taon.

February 20, naging laman ng social media ang article ng veteran entertainment columnist na si Ricky Lo na sinasabing ikakakasal na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli nung araw na yun mismo na dadaluhan lang umano ang malalapit nilang kaanak.

RELATED LINK: Sarah and Matteo getting married today?


Tila lihis naman sa naging activities ni Sarah noong mismong araw na iyon na nasa rehearsal ng The Voice of the Philippines: Teen edition.

READ: Not true? Sarah Geronimo spotted at ‘Voice Teens’ band rehearsals amid wedding reports

Ganun pa man, una nang nakapanayam ng PUSH ang ilan sa malalapit na kaibigan ni Sarah sa showbiz kabilang na si Gary Valenciano.

Ani Gary, wala pang formal invitation si Sarah at Matteo sa kaniya at kung mayroon bang special participation sa nalalapit na wedding nito.

“I don’t know, they haven’t asked me yet,” tugon ni Gary kung ninong ba siya sa kasalan ni Sarah and Matteo. “Pero alam mo for me kahit hindi ako ninong, I can only promise this, I will always be around for Sarah and Matteo.”

Gaya ni Gary, hindi pa rin nakatanggap ng invitation sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez na kilalang malapit kay Sarah.

“(Laughs) Wala akong alam, clueless ako. Pero for Sarah we are happy for you we are praying for you all the time and let love reign,” sabi pa ni Ogie.

Si Regine naman, na nakasama si Sarah sa successful Valentine’s Day show nito na Unified, mas pinili na manahimik nalang kung ano ang special role niya sa napipintong kasal ni Sarah and Matteo.

“Parang I’m not in the liberty to say anything about it,” sabi pa ni Songbird.

Pero ayon kay Regine, isa siya sa masaya para kay Sarah at Matteo.

“We’re happy for her of course kasi mahal namin siya e.”

Sa ngayon, nanatiling palaisipan pa rin sa mga netizen kung natuloy nga ba ang naging kasalan ni Sarah at Matteo.