• Home
  • Fresh Scoops
  • Makisig Morales, aminadong seloso noong bago ikinasal sila ni Nicole Joson

Makisig Morales, aminadong seloso noong bago ikinasal sila ni Nicole Joson

Humarap sa kanilang unang TV appearance sina Makisig Morales at ang kaniyang asawa na si Nicole Morales sa episode ng ‘Magandang Buhay.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/21/2020 10:27 AM
Makisig Morales, aminadong seloso noong bago ikinasal sila ni Nicole Joson


Masayang humarap sa kanilang unang TV appearance sina Makisig Morales at ang kaniyang asawa na si Nicole Morales sa episode ng Magandang Buhay nitong Huwebes, February 20. Sa naturang episode naging bukas ang dalawa tungkol sa usapin ng selosan.

Pag-amin ni Makisig, mas seloso siya noong mag-boyfriend at girlfriend pa lamang sila ni Nicole.

"Mas nandun po yung selos, kasi siyempre nakaka-insecure naman po. Lalo na galing siyang Australia, siyempre iba po yung looks nila, pero siyempre hindi naman yung looks yung nagustuhan niya sa akin."

"Unlike now na mag-asawa na, mas nabawasan na po iyon. Mas trust na po namin ang isa't-isa, tsaka mas panatag na po yung loob namin," kuwento ni Makisig sa mga momshie hosts.

Paliwanag ni Nicole, sa kabila ng pagiging mas 'clingy' at seloso ni Makisig, hindi naman umabot sa puntong hiwalayan ang dalawa.

"Hindi naman po, kasi lagi niya akong nire-reassure e. So hindi naman po," pahayag ni Nicole.




READ: Makisig Morales celebrates his first wedding anniversary

READ: EXCLUSIVE: Makisig Morales on getting married at 22: ‘Nicole really is a blessing to me’

Nitong January ay nag-celebrate ang dalawa ng kanilang first anniversary sa Australia. Maaalalang June 2019 naman nang unang ibinahagi ni Makisig ang mga larawan mula sa kanilang kasal.