• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Barretto, nag-enjoy katrabaho si Tony Labrusca sa bagong proyekto

Julia Barretto, nag-enjoy katrabaho si Tony Labrusca sa bagong proyekto

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/21/2020 12:46 PM
Julia Barretto, nag-enjoy katrabaho si Tony Labrusca sa bagong proyekto


Bida sa bagong iWant series na I AM U si Julia Barretto kasama ang naging leading man na si Tony Labrusca. Simula pa lang, natutukso na ang dalawa lalu na at pareho silang single ngayon.

Dito, agad din naitanong kung mayroon ba silang kissing scene sa kanilang proyekto.

“Ako I enjoyed personally working with Tony because (laughs).  It’s so nice working with Tony kasi it’s so easy to converse with him. To me, it’s so important to converse with your leading man,” sabi pa ni Julia.

Nagbigay reaksyon rin si Julia sa dating ka-love team na si Joshua Garcia na ka-tandem ngayon si Janella Salvador.

“First of all happy ako kay Josh kasi nakaka-maintain siya sa ganun path and happy ako kay Janella genuinely because, dati kasi lagi namin pinapag-usapan yung mga pangarap namin dalawa yung mga gusto namin maabot yung mga gusto namin ma-experience.”

Streaming soon ang I AM U sa iWant.