Ivana Alawi, komportable na kay Kit Thompson

Asahan na raw ang umaatikabong mga eksena mula kina Kit Thompson at Ivana Alawi sa bagong Kapamilya series.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/21/2020 12:38 PM
Ivana Alawi, komportable na kay Kit Thompson


Kasunod ng naging pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN, pormal ng ipininakilala si Ivana Alawi sa kanyang first ever Kapamilya series bilang lead actress, ang Ang Lihim ni Ligaya.

Sexy at daring ang kuwento na pagbibidahan ni Ivana na nababagay sa kanyang image bilang isang actress. Ito rin ang pagbabalik nila sa proyekto ni Kit Thompson na nakatrabaho niya sa Mea Culpa: Sino Ang May Sala.

Working with Kit kasi sobrang komportable na kami from Sino ang May Sala. Ayun sabi nga niya, ‘Ikaw nanaman’ gumanun siya sabi ko ‘Yes we’re together again’ ayun,” kuwento niya sa panayam.

Dahil komportable na sa isa’t isa, hindi na rin daw mahirap para kay Ivana ang gumawa ng intimate scene kasama si Kit.

“Marami marami, maraming kissing scenes or ano. Feeling ko ah, pero I think iba siya sa mga nagawa namin,” tugon ni Ivana.

At bilang bagong bida sa isang bagong Kapamilya series, wala na rin daw mahihiling pa si Ivana.

I feel so happy kasi siyempre ito ‘yung dream ko. Actually ABS-CBN is my dream network ever since I was young so to be a part of this beautiful network is grabe,” pahayag pa niya.

Isa ang upcoming series ni Ivana ang mga big projects ng ABS-CBN ngayong 2020.