EXCLUSIVE: Marco Gallo, hindi naniniwala sa one night stand

Marco Gallo, magiging mapili na sa mga taong papapasukin sa buhay niya ngayong taon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/21/2020 11:59 AM
EXCLUSIVE: Marco Gallo, hindi naniniwala sa one night stand


Photo credit: @marcogalloc on Instagram

Bumalik na ng Italy ang mommy ni Marco Gallo kaya mag-isa na lang siyang naninirahan ngayon sa isang condominium. Ipinagmalaki ng binata sa PUSH kung ano ang kanyang natutunan sa pagiging solo flight.

“It’s life changing because I’ve learned how hard is budgeting. You can’t go out all the time because when you go back home you’re not going to find food at your place. Kung iniwan mona magulo yung place magulo rin yung babalikan mo.

“So, ayoko ng ganun, eh. Akala ko pagbalik ko ng bahay laging may pagkain. Malinis or bayad na ang bills at lahat ng gamit ayos na, hindi pala. So, there are good things about living alone and bad things and you have to take them in you.

“This month (February) has been such a learning month for me, such an important month for my teenager life because most of the important stuff that I need to know ngayong month na ito, actually I figured out how to do it,” tuluy-tuloy na kuwento ng former Pinoy Big Brother teen housemate.

Kahit nagso-solo sa condo ay very responsible naman daw siya at hindi nagdadala ng kung sinu-sinong babae sa kanyang place.

Ani Marco,m“No! That’s not how it works kasi… not for me. I honestly hate people that are not close to me at my place. Kasi sobrang linis ko sa bahay. Gusto kong maayos, walang makalat, dapat walang madumi. I can’t deal with mess.”

Kahit mga kaibigan ay hindi rin daw niya dinadala sa condo.

“I tried to bring friends naman in my place when we were young kasi may projector ako at nanonood lang kami, tapos yung sofa ko punung-puno ng chips at bad trip kasi hindi man lang naglinis. So, nadala na ako.

“Sabi ko, siguro if I want to hang out with someone it’s going to be outside, not on my own place,” sambit pa ng binata.

Eh, ano ang ginagawa niya kung mismong babae ang nangungulit na bumisita or magpunta sa condo niya for one night stand?

Sagot niya, “I didn’t do one night stand yet. I mean, I know what it is but one night stand I don’t know what the kind of feeling it is kasi I always believe that kind of stuff has to be with someone special to your heart.”

Eh, paano kung lasing na siya?

“Even if you’re drunk, how the hell you’re going to do it, like offering your special part to someone that you don’t love just like that. When I’m drunk I want to eat. I don’t want to kiss somebody. I want to be on my own, I mean that’s how I am,” katwiran ni Marco.

Sa konserbatibong pananaw ni Marco, parang hindi siya lumaki sa Europe na normal lang ang casual sex sa mga teenagers.

“Sa tingin ko kasi, hindi yon sa kahit anong part ng world –kahit sabi nila European thing yung ganun. Pero para sa akin nasa tao yon, eh, kung nirerespeto mo ang sarili mo at nirerespeto mo ang buhay mo hindi ka gagawa ng one night stand.

“Even if you do one night stand you have to make sure na it’s not because of the need, na kailangan mo, but it’s because of a life choice that you’re doing. Go for it, pero ako hindi, eh.

“If ever I want to bring someone home, it has to be someone that I really want to live with, with my heart. Someone that I can count on, not just for one night—but someone that I can count on every night and every day.

“So ngayong taong ito, sabi ko, magiging mapili ako sa mga taong papasukin ko sa buhay ko at kung sino talaga ang deserving sa time ko. I don’t want to waste time on partying anymore. I don’t want to waste time on stupid and useless stuff,” huling pahayag sa PUSH ng Italian-Filipino actor.