• Home
  • Fresh Scoops
  • Direk Sigrid Bernardo, hanga sa galing nina Cristine Reyes and Xian Lim.

Direk Sigrid Bernardo hindi gumagawa ng pelikula para sa award

Direk Sigrid Bernardo, hanga sa galing nina Cristine Reyes and Xian Lim.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/20/2020 12:46 PM
Direk Sigrid Bernardo hindi gumagawa ng pelikula para sa award

Masaya si Direk Sigrid Andrea Bernardo sa naging performance ng mga bida niyang sina Cristine Reyes at Xian Lim sa pelikulang Untrue ng Viva Films na showing na sa mga sinehan.

Napanood na rin namin ang pelikula sa naging red carpet premiere nito nung Lunes, February 17, sa Estancia Mall, Cinema 1, at kakaibang Cristine at Xian nga ang na-witness namin sa Untrue.

“And, I’m very happy sa naging resulta. Sobrang nag-evolve sila as actors talaga and hindi ko talaga sila nakita as Cristine and Xian and I’m very, very proud of them na na-pull-off nila ito,” pagmamalaki ni Direk Sigrid sa mga stars niya.


“I’m very happy na sobrang dedicated sila. Even sa workshops nila. Ako, I’m very proud of them, dahil ang hirap talaga.

“Even during the shoot, people say na napakadali lang nilang idirek, na ano, kasi sila rin ay nahirapan, eh. Kasi, yung shooting namin, di naman chronogical order, di ba?

“Sa isang location, ganito ang kanilang character, so baliw-baliw na rin sila. So, kailangan talaga mag-focus sila sa acting nila,” patuloy pa niyang pahayag.

Sa tingin ba niya mananalo ang dalawa ng acting award sa Untrue?

“Sana manalo sila,” sagot ng lady director.

“Pero alam mo yon, hindi naman ako gumagawa ng pelikula para sa award. Malaking reward na para sa akin na mapansin ang acting nila, na hindi sila sina  Cristine Reyes at Xian Lim kundi bilang Mara at Joaquim. So I think yon yung malaking reward for them more than the awards,” katwiran pa niya.

Ibinahagi din ni Direk Sigrid ang dahilan kung bakit after ng mga previous movies niya na puro mga romcom tulad ng Kita Kita at Mr. and Mrs. Cruz ay gumawa siya ng Untrue na isang suspense thriller.

“Sobrang dream ko na gumawa ng suspense-thriller film. And I always want to challenge myself.  So, yung explanation sa kuwento nito kasi, it’s really about mental health issues.

“Hindi man siya… kasi, suspense-thriller ito, pero yung lalim niya, yon,” paliwanag niya.