• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes, ibinahagi ang 'intimate celebration' ng kaniyang kaarawan

Cristine Reyes, ibinahagi ang 'intimate celebration' ng kaniyang kaarawan

"I appreciate more quality time with my family and close friends," ipinaliwanag ni Cristine Reyes kung bakit mas pinili niyang magkaroon ng simpleng selebrasyon sa nakaraang birthday niya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/20/2020 12:30 PM
Cristine Reyes, ibinahagi ang 'intimate celebration' ng kaniyang kaarawan


Photo credit: @cristinereyes on Instagram

Masayang ibinahagi ng Untrue actress na si Cristine Reyes ang simpleng selebrasyon ng kaniyang 31st birthday sa kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan. Sa kaniyang interview sa Magandang Buhay nitong Miyerkules, February 19, ikinuwento ni Cristine na biglaan lang ang planong selebrasyon sa kaniyang bahay.

"Dapat naman talaga i-celebrate natin ang birthdays natin kasi that's the greatest gift from God. At the same time, celebrate life.

"Kung ikukumpara ko before hindi ko naman sasabihin na hindi naman tama yon. I just enjoyed it. But right now, I appreciate more quality time with my family and close friends," kuwento ng aktres.

Nitong February 6 ang eksaktong kaarawan ni Cristine. Una na niyang ibinahagi ang ilang larawan sa kaniyang Instagram account.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

šŸ’› .. .. @hazelberryofficial yummiest cake šŸŽ‚

A post shared by Twitter @cristinereyesss (@cristinereyes) on

Nang tanungin si Cristine kung may pressure ba sa kaniya ang pagdadagdag sa kaniyang edad, "Hindi ko siya iniisip e. Feeling ko number lang yan. Ngayon ko na-realize na sinasabi ng mga nakakatanda sa akin na 'number lang yan'. It is true. Kasi ikaw pa rin ito e, it just changes your heart and your maturity and your perspective in life," paliwang niya.

Pagpapatuloy ng aktres, "I guess reckless kasi before e. Yes, you love yourself but you do things na may risk. Compared today, I'm in my 30s na, I'm more careful and I have to think first before I do things."

Bida sa bagong psycho-thriller film na Untrue si Cristine, kung saan ay kasama niya dito si Xian Lim.