Alexa Ilacad: 'Sana po maka-love team ko na si Enchong Dee'

Wish daw ni Alexa Ilacad sa kaniyang birthday ang maka-love team niya ang ultimate crush niyang si Enchong Dee.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/20/2020 12:37 PM
Alexa Ilacad: 'Sana po maka-love team ko na si Enchong Dee'


Photo credit: @starmagicphils on Twitter

Nag-celebrate nang maaga ng kaniyang 20th birthday ang Kapamilya actress na si Alexa Ilacad sa episode ng Magandnag Buhay nitong Miyerkules, February 19.

Matapos makatanggap ng video greetings mula sa mga kaibigan at pamilya, sorpresa ring nakatanggap si Alexa ng pagbati mula sa kaniyang ultimate crush na si Enchong Dee. "I hope you're happy. I know you're healthy, I know you are the sexiest version of yourself right now. I'm very proud of you. I'm just here.

"I really do hope na one day magka-trabaho tayo. Ipagdadasal ko pa rin yon and I hope you'll say yes kapag dumating na yung panahon na 'yon. Enjoy your birthday, I'll be here for you," pahayag ni Enchong na ikinakilig ni Alexa.

Sagot naman ng aktres, "Binabago ko na yung wish ko, kay Mister M na yung wish ko sana po maka-love team ko na si Enchong. Yun na yung wish ko."

Ayon kay Alexa, wala pa man siya sa Goin' Bulilit ay crush na niya si Enchong.

"Wala pa ako sa Goin' Bulilit nakikita ko yung commercial niya na nagsu-swimming siya sabi ko, 'Ay eto okay to, gusto ko to,'" paliwanag niya.

READ: Alexa Ilacad becomes a Dean’s Lister in college

Sa February 26 ang eksaktong kaarawan ni Alexa.