MJ Cayabyab, nagpasalamat kay Erich Gonzales

2016 nang naging malapit si Erich Gonzales at MJ Cayabyab sa Kapamilya series na ‘Be My Lady.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/2/2020 11:52 AM
MJ Cayabyab, nagpasalamat kay Erich Gonzales


Isa ang character actor na si MJ Cayabyab sa mga mapapanood sa nalalapit na pagsisimula ng Kapamilya series na Love Thy Woman.

Sa naging panayam, ibinahagi ni MJ kung paano at sino ang naging dahilan kung bakit siya napabilang sa bagong Kapamilya program.

“Funny story is, Erich Gonzales is original sa show and she recommended me to our boss Carl Dela Merced. And Ms. Carl approved me to be part of the cast, kaya thankful ako,” kuwento ni MJ.

Matatandaan na naging malapit si MJ at Erich sa Kapamilya series noong 2016 na Be My Lady.

At dahil sa naging desisyon ni Erich na bitiwan ang role sa bagong Kapamilya series, aminado ang malapit na kaibigan ng aktres na nalungkot siya sa nangyari.

READ: Yam Concepcion to replace Erich Gonzales in ‘Love Thy Woman’

“In a way, nalulungkot ako siyempre, kasi very close kami. But, I’m still in contact with her now, I visit her sa bahay niya, and she’s also happy that I do my best dito sa project, she always tells me na to do my best,” aniya pa.

Nagpaalam rin daw sa kanya si Erich noong nagdesisyon ito na bibitiwan ang karakter na pinalitan ngayon ni Yam Concepcion.

“Yes of course she told me about it and it’s her personal choice. I cannot do anything about it. Medyo nalungkot ako, pero at the end of the day, she’s my friend and I have to support her kung saan siya mas sasaya.”

Bilang kaibigan rin, nalulungkot rin daw si MJ tuwing nakakabasa ng mga hindi magagandang balita laban kay Erich.

“People will always have something to say, kahit anong gawin mo. Kahit marami kang nagawang tama, kahit may nagawa kang isang hindi tama, I judge ka parin ng tao.

“I think Erich is a very strong woman. Kayang-kaya niya kung ano ang binabato sa kaniya. Ako, alam kong kaya niya kaya hindi ako masyado affected,”pahayag pa ni MJ.

Mapapanood si MJ bilang si Summer Dy sa Love Thy Woman ngayong February 10.