• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim, ipinakilala ang bagong ‘best friend’ na si Jun-jun

Xian Lim, ipinakilala ang bagong ‘best friend’ na si Jun-jun

Ibinida ni Xian Lim ang bagong talento bilang ventrilloquist.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/19/2020 11:00 AM
Xian Lim, ipinakilala ang bagong ‘best friend’ na si Jun-jun


Ibinida ng Love Thy Woman actor na si Xian Lim ang bagong talento na ventrilloquism sa episode ng Magandang Buhay nitong Lunes, February 17. Ayon kay Xian, dumaan siya ng workshop ng anim hanggang pitong buwan para pag-aralan ito.

"It started nung nakakita ako ng videos online. Sabi ko, nakakatuwa ito. Ako naman parang swak sa akin kasi I'm an only child wala akong kapatid, kaya sabi ko, okay ito parang akong may kausap. Hinanap ko yung mga ventriloquist dito sa Pilipinas," pahayag ng aktor kung saan ay ipinakilala niya pa ang manikang si Jun-jun sa mga momshie hosts.

Pagpapatuloy ni Xian, natutunan niya sa kaniyang ina ang laging paghahanap ng bagong matutunan. "I think galing din po ito sa turo ng mommy ko na never stop learning kasi sobrang iksi lang ng buhay natin. It's really good to make use of your time na lagi kang may natututunan hindi ka lang walang ginagawa," paliwanag ni Xian.

READ: WOW! Xian Lim’s big surprise for Kim Chiu on Valentine’s day

Samantala, ibinahagi rin ni Xian ang naging experience niya kasama ang girlfriend na si Kim Chiu sa bakasyon kamakailan sa Prague.

"Masaya, yun yung mga rare times na pwede kaming lumabas ng ibang bansa kasi naba-block off namin yung schedule namin tapos pwede kaming mag-tour," kuwento ni Xian, na sinabing naging supportive boyfriend sa mga Instagram photos ni Kim.

READ: Xian Lim, ikinuwento kung papaano naayos ang relasyon niya sa entertainment press

Mapapanood ang bagong serye ng mag-love team na Love Thy Woman, araw-araw sa Kapamilya Network.