• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinuwento ni Jerald Napoles ang mga pinagdaanan noon bago makarating sa pagiging TV actor ngayon.

Jerald Napoles, inalala ang dating trabaho bilang ‘kargador’ at ‘demolition man’

Ikinuwento ni Jerald Napoles ang mga pinagdaanan noon bago makarating sa pagiging TV actor ngayon.

BY
PUSH TEAM
Follow me on Twitter: PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/19/2020 10:51 AM
Jerald Napoles, inalala ang dating trabaho bilang ‘kargador’ at ‘demolition man’

Inalala ng FPJ’s Ang Probinsyano actor na si Jerald Napoles ang mga pinagdaanang trabaho noon, bago marating ang pagiging TV actor ngayon. Sa kaniyang interview sa Magandang Buhay nitong Lunes, February 17, ikinuwento ni Jerald ang minsang naging kargardor siya sa Divisoria, at volunteer demolition man sa Tondo noon.

"Ang dami kong pinasok na raket. Isa sa mga ginawa ko, nag kargador sa Divisoria. Kapag dumarating yung mga tela, kasi doon ang bilihan ng mga tela tapos nakarolyo yan bultuhan, 150.

"Tapos, demolition man. Kapag may naghahanap ng magdedemolish ng bahay sa Tondo, kami yung magpe-presenta," kuwento ni Jerald sa mga momshie hosts.


Proud din na ibinida ni Jerald ang kaniyang ina na mag-isang tinaguyod siya at isa ring 'raketera' noon. "Nagkasambahay po ang nanay ko, nag-tutor sa mga elementary, nag-waitress, nag-manikurista," kuwento ni Jerald na sinabing ang ina ang isa sa inspirasyon niya ngayon sa kaniyang career.

READ: Jerald Napoles, hindi pa handa maging ama

Unang nakilala si Jerald sa pagiging theater actor kung saan ay nakilala niya ang girlfriend of six years niyang si Kim Molina.

READ: Kim Molina, Jerald Napoles share how love story began

Sa ngayon, masaya si Jerald sa bagong oportunidad bilang bagong adisyon sa cast ng Ang Probinsyano.