Jane Oineza, dahilan nga ba ng hiwalayan ni RK Bagatsing at ng kanyang girlfriend?

Kinumpirma naman ni RK Bagatsing na single siya ngayon.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/18/2020 09:13 AM
Jane Oineza, dahilan nga ba ng hiwalayan ni RK Bagatsing at ng kanyang girlfriend?
Photo credit: @jascurtissmith on Instagram

Kinumpirma ng aktor na si RK Bagatsing na hiwalay na sila ng kanyang dating kasintahan at matapos nito ay naging maugong ang balitang ang kanyang "Us Again" co-star na si Jane Oineza ang naging dahilan kung bakit siya single ngayon.

Sa panayam nila sa "Tonight with Boy Abunda" ay nilinaw ng aktor na walang kinalaman si Jane sa kanyang pakikipaghiwalay at hindi third party ang dahilan nito.

“As far as I’m concerned, walang third party. We care about each other so much. Nag-usap kami nang maayos. We just couldn’t bring it back to what it used to be," ani RK.


Unang nagtambal sina RK at Jane sa 2018 teleserye na "Araw Gabi" na pinagbibidahan din nina Barbie Imperial at JM de Guzman. 

Para kay Jane, nagulat din siya sa balita at sinabing nailinaw naman na ni RK ang isyu.

Nagbabalik-tambalan naman sila sa pelikulang "Us Again" at ipapalabas na ito sa mga sinehan ngayong Pebrero 26.