• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Joshua Garcia, sumasabak sa matinding training para sa mga bagong projects

EXCLUSIVE: Joshua Garcia, sumasabak sa matinding training para sa mga bagong projects

Joshua Garcia, ikinumpara ang sakit na dulot ng training sa love life.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/16/2020 11:16 AM
EXCLUSIVE: Joshua Garcia, sumasabak sa matinding training para sa mga bagong projects


Bukod sa horror film na Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan sa Regal Entertainment at BlackSheep ay may gagawin ding action film si Joshua Garcia. In fact, naikuwento niya sa amin na nag-training na siya para dito.

Ramdam na ramdam ko nga yung pain sa katatwan ko, eh,” balita niya. “So far, okay naman siya, ‘eto nga nagkatama ako sa mukha,” sabay pakita niya ng maliit na bukol sa mukha.

Akala nila pimple pero tama ito ng tuhod ko sa mukha. Sumemplang ako. Tapos may tama din ako sa tuhod,” dagdag niyang kuwento.

Kumusta naman ang kanyang training?

Okay naman yung training. Kailangan mo talagang masaktan para matuto ka, eh. Ouch… (laughs). Hindi hugot yon ha, pero ang galing ‘no, connected din sa buhay. Training lang yung pinag-uusapan natin pero parang papunta na sa iba,” sabay tawa ulit ni Joshua.

Hirit pa niya, “So kahit ano pang pain yung ma-experience ko sa pagte-training ko, okay lang kasi natututuo naman ako. Lumalakas ang loob ko.

Ibinahagi rin ng aktor ang iba pang sports na pinagsasanayan niya ngayon.

Ngayon marunong na akong mag-MMA. Training ko naman yon para sa isang movie ko sa Star Cinema. Nagte-train na rin ako ng boxing, jiujitsu at saka ng Muay Thai.

“At least pinapawisan ako, wala naman akong sports, di naman ako basketball player. At least hindi puro computer, di ba? Pinapawisan na ako,” balita pa niya sa PUSH.

Hindi na ba siya adik sa paglalaro ng computer games at ML (Mobile Legends)?

Nag-ML ako dati pero hindi ako ganun ka-adik. Mas naadik ako sa computer. Puro ako laro, pero hindi ako naglaro sa kanya (Julia Barretto). Hahaha! Joke lang,” biro ulit niya.

Bukod sa ilang physical training ay mag-aaral na ring bumaril si Joshua.

Sunod ko namang pag-aaralan ang pagbaril. Masarap daw mag-firing, eh. Hindi ko pa siya na-try actually, pero nakapag-try akong bumaril ng blank bullet lang, may impact pa rin, sa MMK gamit yung machine gun,” excited niyang pahayag.