Yen Santos at Enzo Pineda, umamin na nag-date sila dati

MMK co-stars na sina Enzo Pineda at Yen Santos, umamin sa kanilang nakaraan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/15/2020 11:55 AM
Yen Santos at Enzo Pineda, umamin na nag-date sila dati


Nang gulat ang mga bida ng Valentine's Day episode ng Maalaala Mo Kaya na sina Enzo Pineda at Yen Santos nang aminin nila na dati silang magkarelasyon.

Sa kanilang katatapos na Kapamilya Chat this week, unang naitanong ni Enzo kay Yen sa kanilang 'Truth or Dare' challenge kung naniniwala ba siya sa second chances sa pag-ibig. Sinagot naman ito ng aktres na lahat naman ay dapat magkaroon ng second chance di lamang pag dating sa love kundi sa life in general.

Nung chance nang magtanong naman ni Yen kay Enzo, ginulat niya ang lahat sa tanong na "Ano ang nangyari sa atin?"  Sinundan pa ito ni Yen ng tanong na: "Matagal ka nga. Ano ang nangyari noon? Bakit?

Natatawang sinagot naman din ni Enzo ang tanong sa chat kung na-ghost ba niya si Yen. "Baliktad," mabilis na sinabi nito at sinabing ang aktres ang nang-iwan sa kanya sa ere. 

Nang lumaon, umamin naman ang dalawa na nag-date nga sila dati pero hindi malinaw kung ano ang naging opisyal na estado nila. 

Nang tanungin naman si Yen kung single sila pareho at manliligaw sa kanya muli si Enzo, nakakakilig ang naging sagot niya. “Si Enzo sobrang mabait po siya at sobrang sweet... siguro oo!

Panoorin ang buong kaganapan dito: