• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Nathalie Hart, ibinunyag ang current relationship status nila ng ama ng anak niya

EXCLUSIVE: Nathalie Hart, ibinunyag ang current relationship status nila ng ama ng anak niya

Nathalie Hart, gusto muna mag-focus sa career.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/13/2020 11:25 AM
EXCLUSIVE: Nathalie Hart, ibinunyag ang current relationship status nila ng ama ng anak niya


Photo credit: @imnathaliehart on Instagram

Nananatiling magkaibigan si Nathalie Hart at ang ex-boyfriend niyang non-showbiz na Indian national na si Mayank Sharma.

“Ngayon okey naman kami, we’re friends. We talk every day, we video call every day,” kuwento ni Nathalie sa PUSH.

“It took me a lot of time understand the situation. Siyempre, masyado akong madrama nung time na yon, pero nung inamin ko na wala na kami, parang it’s a release, na parang it was so tiring for me to pretend,” dagdag niya.

Kumusta naman bilang ama sa baby niyang si Penelope ang ex-partner?

Sagot ng aktres, “Great… great father to our daughter. Wala kaming problema. The only problem lang talaga is it’s hard for him to see his daughter kasi he has to come here, ang layu-layo ng India, so it’s very difficult for him. But ano, okey naman, nandito siya nung birthday ng anak namin, so walang problema.”

Sa sitwasyon ni Nathalie, posible palang maging friends niyaang dating karelasyon.

“Depende… depende. I think it’s important to have time as well nung naghiwalay kayo – hindi muna kayo mag-usap nang matagal kasi mas marami kayong masasabing masama. Mas maganda yung hindi na muna kayo nag-uusap tapos bigla kayong nag-usap.

“Hindi na namin pinag-usapan yung nangyari, eh. Hindi na kami nag-usap and then we just basically talk about our daughter, ganun na lang yon,”deklara ng aktres.

Wala na ba siyang napi-feel na love sa ama ng kanyang anak?

“Of course my love, iba yung love. Ibang klaseng love yon. I mean, yung love kasi na yon iba na, eh, hindi mo mahahanap yon sa ibang tao kasi you share daughter together so iba yon – iba yung tingin mo sa kanya.

“Pero yung tipong romance together, wala kaming ganun, wala kaming ganun ngayon. Walang romance, pero yung love hindi mawawala yon,” paliwanag ng aktres.

Puwede na ba ulit siyang ma-in love sa ibang lalaki?

“Wala akong iniisip na ganyan. That’s not my priority at the moment. Parang ang sa akin lang… it’s ano, eh, if ever that happens in the future and if find someone, ang dami kong list na dapat ganito -- ang daming trabaho, eh.

“Kasi for me I come as a unit and I don’t come as myself only. So ang daming kailangang adjustments if ever I find yung taong gusto ko at magugustuhan ako. Tsaka mas maganda na yung for now I focus on myself muna at sa trabaho ko. And then, mag-enjoy din lang sa buhay.

 

“Kasi di ba, sabi ko nga sa ‘yo natatakot ako kung makakabalik ako sa showbiz dahil sa nangyari na nabuntis ako. Pero so far, awang Diyos ang dami ko namang ginagawa at nagpapasalamat talaga ako,” lahad paniya sa PUSH.

Dalawa ang pelikulang ginagawa ngayon ni Nathalie sa Viva – ang Pak Boys with Janno Gibbs, Andrew E at Dennis Padilla at ang sexy drama na Kunwari Mahal Kita kasama sina Ryza Cenon at Joseph Marco.

Lumabas na rin ang karakter niya sa Pamilya Ko TV series ng ABS-CBN bilang estranged wife ni JC de Vera na na-involve naman sa karakter ni Maris Racal.