• Home
  • Fresh Scoops
  • “Napakalaki ng utang na loob ko sa ABS-CBN,” ayon kay “FPJ’s Ang Probinsyano” star Coco Martin.

Coco Martin, nagpahayag ng suporta sa ABS-CBN

“Napakalaki ng utang na loob ko sa ABS-CBN,” ayon kay “FPJ’s Ang Probinsyano” star Coco Martin.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/13/2020 01:44 PM
Coco Martin, nagpahayag ng suporta sa ABS-CBN
Photo credit: @cocomartin_ph IG

Nagpahayag ng suporta at pakikiisa ang aktor na si Coco Martin sa ABS-CBN kaugnay ng inihain na quo warranto petition ng Office of the Solicitor General na ipawalang bisa ang prangkisa ng nasabing broadcast network sa Korte Suprema nitong Lunes.

Sa Instagram nitong Martes, sinabi ng "FPJ's Ang Probinsyano" star na napakalaki ng utang na loob niya sa ABS-CBN na naging tahanan na niya simula noong siya ay nagsisimula pa lamang sa industriya.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Napakalaki ng utang na loob ko sa ABS-CBN, natupad ko lahat ng pangarap ko para sa sarili ko at sa aking buong pamilya. Dahil sa ABS-CBN, napakaraming tao at pamilya na nabigyan ng oportunidad magkaroon ng maayos na buhay. Sa pamamagitan ng FPJ's Ang Probinsyano, napakaraming taong natulungan, mula sa aming mga artista, staff at crew. Nabigyan ulit ng trabaho lalo na ang mga artista na nawalan ng pag-asa na muling makita ulit sa telebisyon, nagkaroon ulit sila ng pagkakataon para kumita at ituloy muli ang kanilang mga pangarap! 11,000 na empleyado po ang mawawalan ng trabaho kung ipasasara ang ABS-CBN kabilang na po ako. Paano na po ang aking pamilya at ang mga pamilya ng lahat ng nagtratrabaho sa kumpanyang ito? Dito po kami umaasa ng aming ikabubuhay. Sa pagtatrabaho ko sa ABS-CBN ay nalibot ko na halos ang buong Pilipinas at buong mundo upang pasiyahin at pasalamatan ang lahat ng mga Pilipino na tumatangkilik sa aming mga pinalalabas. Gumagawa din po ang ABS-CBN ng mga charity events upang makatulong sa ating mga kababayan. Sa tuwing may sakuna, ang ABS-CBN ginagawa ang abot ng kanilang makakaya upang makatulong sa lahat ng nangangailangan. At ako mismo ang nakasaksi kung gaano kabuti ang hangarin ng ABS-CBN upang makatulong sa lahat ng mga Pilipino. Hindi ko po alam kung ano ang mararamdaman ko kung mawawala ang ABS-CBN na naging malaking bahagi ng aking buhay. Sana po tulungan ninyo kami na ipanalangin na mapukaw ang puso at maliwanagan ang isip ng mga tao na nagnanais ipasara ang istasyon na tumutulong ng malaki sa maraming buhay!

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

 

"Napakalaki ng utang na loob ko sa ABS-CBN. Natupad ko lahat ng pangarap ko para sa sarili ko at sa aking buong pamilya," aniya.

Ayon kay Coco, isa lamang siya sa napakaraming tao at pamilya na nabigyan ng oportunidad ng kanyang home network upang magkaroon ng maayos na pamumuhay.

"Sa pamamagitan ng 'FPJ's Ang Probinsyano, napakaraming taong natulungan, mula sa aming mga artista, staff at crew. Nabigyan ulit ng trabaho lalo na ang mga artista na nawalan ng pag-asa na muling makita ulit sa telebisyon, nagkaroon ulit sila ng pagkakataon para kumita at ituloy muli ang kanilang mga pangarap! 11,000 na empleyado po ang mawawalan ng trabaho kung ipasasara ang ABS-CBN kabilang na po ako. Paano na po ang aking pamilya at ang mga pamilya ng lahat ng nagtratrabaho sa kumpanyang ito? Dito po kami umaasa ng aming ikabubuhay," dagdag niya.

Dagdag pa ni Coco, saksi siya kung gaano kabuti ang hangarin ng ABS-CBN upang makatulong sa lahat ng mga Pilipino.

"Sa pagtatrabaho ko sa ABS-CBN ay nalibot ko na halos ang buong Pilipinas at buong mundo upang pasiyahin at pasalamatan ang lahat ng mga Pilipino na tumatangkilik sa aming mga pinalalabas. Gumagawa din po ang ABS-CBN ng mga charity events upang makatulong sa ating mga kababayan. Sa tuwing may sakuna, ang ABS-CBN ginagawa ang abot ng kanilang makakaya upang makatulong sa lahat ng nangangailangan," patuloy niya.

"Hindi ko po alam kung ano ang mararamdaman ko kung mawawala ang ABS-CBN na naging malaking bahagi ng aking buhay."

Humiling naman ang aktor na maliwanagan ang isip ng mga taong nagnanais na ipasara ang istasyon, na tumutulong nang malaki sa maraming buhay.

Isa lamang si Coco sa ilang Kapamilya stars na nakiisa at nanindigan para isulong ang renewal ng franchise ng ABS-CBN. Kabilang na rito sina Angel Locsin, Vice Ganda, Jodi Sta. Maria, Martin Nievera, at mag-asawang Ogie at Regine Velasquez-Alcasid.