EXCLUSIVE: Joshua Garcia, umamin sa pagiging marupok

Joshua Garcia, hindi pa naghahanap ng love life sa ngayon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/12/2020 12:50 PM
EXCLUSIVE: Joshua Garcia, umamin sa pagiging marupok


Magiging abala sa mga susunod na araw si Joshua Garcia para sa shooting ng horror film na Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan na base sa mystery novel ni Bob Ong. Sa ginanap na story conference ng pelikula nung Lunes (February 10) ay nakilala na rin ni Joshua ang ibang cast na makakasama niya sa movie including veteran actress Angie Ferro na gaganap bilang Mama Susan.

“Naririnig ko na siya dati pa na magaling  talaga siyang artista, pero nung nakita ko siya sa storycon lalo akong humanga sa kanya,  kasi di ba, sa edad niya, nagtatrabaho pa rinsiya. Wala lang, sobra lang akong bumilib,” sambit sa PUSH ni Joshua.

Excited din si Joshua na makabuo ng panibagong friendship sa mga artistang makakasama niya sa pelikula.

“Oo naman, yon ang masarap kapag may mgabagong project, may bago ka ring nakakatrabaho at nagiging kaibigan,” sey pa ngaktor.

Bukod sa horror film na Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan ay gagawa rin ng isang action project si Joshua sa iWant.

Aniya, “Kung ano kasi yung pumapasok na project tanggap lang nang tanggap, di ba? Nagiging happy lang ako kasi siyempre iba’t ibang genre yung nabibigay sa akin. At least nagagawa ko lahat. Nagiging flexible ako as an actor.”

Sinasadya ba niyang magbisi-bisihan paramakalimutang magka-love life?

Natatawa at pabiro niyang tugon,  “Mas okey yung maraming work kasi hindi ka magugutom. At saka mas okey yung may ginagawa ka kesa wala kang ginagawa. Parang pag-artista, mas okey na pinagkakaguluhan ka kesa hindi ka pinagkakaguluhan.”

Eh, kelan naman niya balak magka-love life ulit?

“Ako, hindi ko masabi yan. Open naman kasi ako sa kung anong pumasok. Kasi ayoko ring magsalita ng tapos,  alam mo naman ako -- marupok, ”confession niya sa amin.

“Ayoko namang magsalita ng tapos na, ‘Hindi, focus muna ako sa career.’ Kasi siyempre hindi mo masabi yung tatakbuhin ng taon sa akin. Malay mo may makilala akong magpapasaya sa akin,” dagdag niya.

At sa patuloy na nagli-link sa kanilang dalawa ni Janella, may reaksyon ang binata.

“Happy naman ako kung anong meron sila (ni Markus Paterson). And happy rin naman ako kung anong meron kami ni Janella. At least yung sa amin– yung friendship namin forever yon,” lahad pa ni Joshua.