• Home
  • Fresh Scoops
  • Eula Valdez, ikinuwento ang paghaharap nila ng third party ng karelasyon noon

Eula Valdez, ikinuwento ang paghaharap nila ng third party ng karelasyon noon

“Kinausap ko si girly, ang peg ko Jacklyn Jose, monotone,” ikinuwento ni Eula Valdez ang minsang kinompronta niya ang babaeng ‘third party’ ng kaniyang karelasyon noon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/12/2020 12:57 PM
Eula Valdez, ikinuwento ang paghaharap nila ng third party ng karelasyon noon


Sa pagbisita ng beteranang aktres na si Eula Valdez sa Magandang Buhay nitong Lunes, February 10, binalikan niya ang pinagdaanang pagsubok sa kaniyang karelasyon noon, kung saan ay kinumpronta niya ang babaeng third party sa kanila.

Ayon kay Eula, nangyari ito noong 48 years old siya o tatlong taon na ang nakalipas, nang mabalitaan niyang nabuntis di umano ang babae.

"Actually nung nalaman kong nakabuntis siya, ang una kong sinabi, 'Paano ka naman nakasigurong sa'yo? E etong si boylet ay gustong-gusto nang magkaanak," kuwento ni Eula sa mga momshie hosts.

Dagdag ng aktres, umalis at nangibang bansa ang kaniyang nobyo kasama ang babae. Gamit ang social media, hinanap ni Eula ang kinaroroonan ng dalawa at pinuntahan sila.

"Nag-book ako ng flight, pumunta ako doon. Sa kakaisip niya sa akin, akala daw niya guni-guni niya ako nung nagkita kami, tapos umiyak siya.

"Kinausap ko si girly. Ang peg ko Jacklyn Jose, monotone," pagpapatuloy ng aktres na ikinatuwa ng mga momshie hosts.

Di kalaunan, nakumpirma ni Eula na hindi totoong ang kaniyang nobyo ang ama ng dinadala ng babae. Hindi na sinagot ng aktres kung nagkabalikan pa sila ng naturang lalake, pero para sa kaniya, napatawad niya na ito.

"Mayroon din naman akong kasalanan, kasi na-neglect ko siya kasi sobra akong magtrabaho.

"Ang sa akin lang, dahil lang yung gut feel na niloloko ka --okay niloko mo ako, pero dahil mabait ka naman sa akin, kaya kong himayin yan e. Okay naging mabait kang tao, ang naging kasalanan mo eto. E hindi rin naman ako papayag na lokohin ka ng babaeng ‘to," paliwanag ni Eula.

Panoorin ang buong pagkukwento ni Eula dito:

READ: Age Doesn’t Matter: Six Pinay celebs na may mas batang partner

Bida si Eula sa bagong serye na Love Thy Woman. Kasama niya sa bagong proyekto sina Ruffa Gutierrez, Sunshine Cruz, Christopher De Leon, Yam Concepcion, Kim Chiu, at Xian Lim.