• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla, handa na sa challenge ng bagong pelikula nila ni Kathryn Bernardo

Daniel Padilla, handa na sa challenge ng bagong pelikula nila ni Kathryn Bernardo

Daniel Padilla, handa sa bagong ‘challenge’ para sa bagong KathNiel movie.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/12/2020 9:53 AM
Daniel Padilla, handa na sa challenge ng bagong pelikula nila ni Kathryn Bernardo


Kamakailan ay inanunsyo na sa publiko na nagbabalik pelikula sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Pinamagatang After Forever ang pelikula at si Cathy Garcia-Molina muli ang magiging direktor nito. Huling nakatrabaho ng Kapamilya stars si direk Cathy sa huli rin nilang blockbuster na pelikulang The Hows Of Us noong 2018.

READ: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla to shoot new movie “After Forever” in San Francisco

Sa naging panayam ng ABS-CBN News, sinabi naman ni Daniel na handa na siya kung sakali mang pahirapan siya ng direktor.

“Siyempre handa naman kami na pahirapan at alam naman naming tatrabahuhin namin ‘to. Okay lang dahil tiwala kami kay Direk Cathy,” aniya.

“Lahat nang maibibigay, ibibigay namin,” dagdag pa niya.

Hindi naman na bago ito para kay Kathryn dahil inamin nito sa kanyang naging panayam sa Magandang Buhay na nahirapan siya sa mga kondisyong ibinigay sa kanya ng direktor noong gingawa nila ang pelikulang Hello, Love, Goodbye.

“Ang sensitive ko kasi na tao, hindi ko naiwasan na maging personal siya. Kilala ko siya na parang mentor ko, 'yung nanay ko na palagi kong tatakbuhan, siya yung magko-comfort sa akin, pero ngayon iba. Ang hirap mag-adjust sa ganung treatment,” kwento noon ni Kathryn.

“May mga day na kunwari puyat ka, pagod ka, hindi mo maintindihan kung bakit kailangan ganyan. Hindi ba niya napi-feel na napagod din ako, na ganyan. Medyo may mga ganoong araw naman talaga. Pero sabi nga ni direk, ibinigay ko ang tiwala ko kay direk,” dagdag pa niya.

“So after na siya ay pahirapan, 'yung talagang gusto na niyang bumalik ng Maynila, dumating si DJ (Daniel Padilla), alam ko nagsusumbong siya araw-araw. Pero tinitiis ko 'yon. Like a mother, it's called tough love,” pahayag din ng direktor sa Magandang Buhay.

Excited naman si Kathryn dahil ito uli ang kanilang reunion movie ng kasintahang si Daniel.

“Finally babalik na kami on the big screen with Direk Cathy again and Ate [Carmi Raymundo] so ibang experience na naman ‘to,” tugon ni Kathryn.

Sa ngayon ay wala pang ibang detalyeng inihayag para sa pelikula kung hindi sa San Francisco sa Amerika ishu-shoot ang mga eksena ng After Forever.