Why Cathy Garcia-Molina said yes to another KathNiel movie

Huling nakasama nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo si Cathy Garcia - Molina sa pelikulang ‘The Hows of Us.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/11/2020 1:06 PM
Why Cathy Garcia-Molina said yes to another KathNiel movie


Down to last two films ngayon ang blockbuster movie director na si Cathy Garcia-Molina at kasama dito ang pelikulang After Forever nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

READ: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla to shoot new movie “After Forever” in San Francisco

Kuwento ni Direk Cathy, napa-“oo” siya sa pelikula ng KathNiel dahil mismo sa pakiusap ni Daniel Padilla.

“I said yes to this dahil doon sa mamang ‘yun (pointing to Daniel) lakas lakas sa akin niyan e,” tugon ng direktor.

Aniya, asahan ang pagbabago sa kaniyang mga bida na sina Kathryn at Daniel.

“Nako, pagta-trabahuhan namin yan. Wala naman po ako laging naka set na paraan kung paano e. Normally, as I get the script, the story, the location and the events sa set namin, doon lumalabas ‘yung kung paano.”

“So it will come, it will come at hindi po mahirap ‘yun kasi madalas kami mag-away nito. Ito (pointing to Daniel) ang pangalawang John Lloyd ng buhay ko e’, alam na niya po ‘yun kasama po ‘yun sa aming journey,” tugon ni Direk.

Ayon pa sa blockbuster movie director, kampante siya sa kaniyang mga makakasama dahil sa personal na samahan nila ng kaniyang mga artists.

“Iyun naman ang masarap pag gumagawa ng pelikula e, it’s always kasama kami pag mag-journey, pare-pareho kaming may natutunan hindi na ‘yung character ng pelikula, kundi kami na bilang tao,” pahayag pa ng direktor.

Huling makasama ni Daniel at Kathryn si Cathy Garcia Molina sa pelikulang The Hows of Us na certified blockbuster sa takilya.

Inaasahan na anumang araw ngayong buwan ng Pebrero babiyaheng San Francisco, USA sina Kathryn at Daniel para simulan ang shoot ng After Forever na mapapanood rin ngayong 2020.