• Home
  • Fresh Scoops
  • Joseph Marco pairs up with Nathalie Hart and with Ryza Cenon in Viva’s ‘Kunwari Mahal Kita’

Joseph Marco pairs up with Nathalie Hart and with Ryza Cenon in Viva’s ‘Kunwari Mahal Kita’

Joseph Marco is ready for his first love scene in a movie.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/11/2020 11:39 AM
Joseph Marco pairs up with Nathalie Hart and with Ryza Cenon in Viva’s ‘Kunwari Mahal Kita’


Pareho nang nakatrabaho ni Joseph Marco sina Nathalie Hart at Ryza Cenon kaya wala na raw magiging adjustment sa muli nilang pagsasama sa pelikula ng Viva Films na Kunwari Mahal Kita na ididirek ni Dick Lindayag.

Nakatrabaho noon ni Joseph si Ryza sa isang episode ng MMK at si Nathalie naman ay nakasama niya sa Regal movie na Rebound Girl.

“Pareho na akong comfortable sa dalawa. Walana akong adjustment na kailangang gawin. What we need to do na lang siguro ay pagandahin yung pelikula at i-portray nang maayos ang bawat role namin,” sey ni Joseph sa storycon ng Kunwari Mahal Kita.

Sa pelikula ay asawa ni Joseph si Nathalie pero mai-involve ito sa makikilang probinsyanang babae na si Ryza. May love scene din si Joseph sa pelikula na first time niya raw gagawin.

Pag-amin ni Joseph, “Actually, ito yung first movie na gagawin ko na may love scene… yeah, first movie ko na may ganun. I guess, it’s something new and open naman ako to do whatever as long as pasok do’n sa story.”

Ayon pa sa aktor, sa isang horror film na ginawa niya sa Japan ay nagpakita na rin siya ng “something.”

“Abangan nila yon, do’n first time ko ring nagpakita ng something,” bitin niyang kuwento.

Eh, kumusta namana ng relasyon niya ng non-showbiz girlfriend?

“Okey naman kami, we’re happy. Almost 10 months na rin kami,” balita niya sa amin.

Wala pa bang planong magpakasal?

“Ang dami pa naming gustong gawin. Right now I’m studying Filmmaking kasi gusto ko ring pasukin yung behind the camera. Siguro do’n sapag didirek papunta, siguro one day, but for now I want to be involved muna with everything like sa production and stuff behind the camera.

“My girlfriend naman is planning to join Miss Universe Philippines in 2021. Parang di pa kasi siya masyadong ready and she thinks she needs to prepare kasi nga yung pageant like that it’s so big, hindi mo puwedeng madaliin, kailangan talagang paghandaan and she wants to be ready,” sagot ni Joseph.

Dagdag niya, “I’m very supportive naman sa kanya. Kung ano yung kailangan niyang gawin, I’m just there to support her and to understand everything.”

Lastly, tinanong namin si Joseph sa reaksyon niya sa franchise renewal issue ng kanyang home TV network.

“I’m sure, ABS is going to make a way kung hindi man ma-renew, siguro magpo-focus sila sa digital or iWant and I’m sure nahindi sila titigil. Papagandahin nila yon, aayusin nila and feeling ko mas maging maganda pa yung  system kasi iniWant walang for airing, so mapapaghandaan lahat.

“Ako, I just stop asking kasi wala, lalabas naman sa news yan or sa internet kung may update na. I’m sure marami pa namang work na darating but ang nakakalungkot lang is that hindi lang kasi yung mga artists ang mawawalan ng trabaho, so maraming apektado lalo na yung family nila, so sana hindi talaga (magsara),” huling pahayag ni Joseph sa PUSH.