• Home
  • Fresh Scoops
  • Binalikan ni Ruffa Gutierrez ang naging karanasan noong nahuli niyang may ibang babae ang kaniyang dating boyfriend.

‘Lumabas ang pagka-Annabelle Rama ko’: Ruffa Gutierrez, binalikan ang pinagdaanan sa dating karelasyon

Binalikan ni Ruffa Gutierrez ang naging karanasan noong nahuli niyang may ibang babae ang kaniyang dating boyfriend.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/10/2020 01:07 PM
‘Lumabas ang pagka-Annabelle Rama ko’: Ruffa Gutierrez, binalikan ang pinagdaanan sa dating karelasyon

Binalikan ng Love Thy Woman actress na si Ruffa Gutierrez ang naging karanasan noong nahuli niya ang dating nakarelasyon na may ibang babae.

"Alam mo mahilig ako sa hanger eh, hinabol ko ng hanger yung lalake. I won't waste my wrinkles on the girl no. Bahala siya, alam kong mas maganda ako at mas may saysay ako sa kaniya," masayang kuwento ni Ruffa sa episode ng Magandang Buhay nitong Lunes, February 2.

"Lumabas ang pagka-Annabelle Rama ko," pagpapatuloy niya, ngunit hindi na pinangalanan pa ang naturang ex-boyfriend.


Sa ngayon, isang single mom si Ruffa ng kaniyang dalawang anak na sina Venice at Lorin.

Nag-iwan din ang aktres ng payo sa mga kapwa babaeng humaharap sa pangangaliwa ng kanilang partners.

"Kailangan i-assess mo ‘yung situation kung mahal mo ba ang lalaki, kung boyfriend mo ba siya o asawa na. Kung boyfriend lang, goodbye na kung goodbye, palitan mo, maraming mga lalaki sa mundo, di ba? Kung asawa mo, kailangang pag-isipan mo dahil may mga anak kayo, it's a more difficult situation," pahayag ni Ruffa.

Isa si Ruffa sa bibida sa bagong teleserye na Love Thy Woman na magsisimula nang mapanood ngayong araw ng Lunes, pagkatapos ng It's Showtime.

READ: Ruffa Gutierrez: ‘Ako ‘yung tipong pinapakasalan, hindi ‘yung kinakabit lang’

"Pinanood ko sa aming special screening ‘yung kabuuan ng pilot episode. Masasabi ko talagang as a viewer, talagang aabangan mo talaga. Exciting kasi very campy yung mga dialogues," proud na sabi ni Ruffa.