• Home
  • Fresh Scoops
  • Budding director Xian Lim, ibinahagi ang natutunan mula sa Untrue direktor niya na si Sigrid Bernardo.

Xian Lim, break muna sa pagdidirek para mag-focus sa pag-arte

Budding director Xian Lim, ibinahagi ang natutunan mula sa Untrue direktor niya na si Sigrid Bernardo.

BY
Leo Bukas
Follow me on Twitter: Leo Bukas

FRESH SCOOPS

02/01/2020 04:30 PM
Xian Lim, break muna sa pagdidirek para mag-focus sa pag-arte

Sunud-sunod ang mga pelikula ni Xian Lim sa Viva Films. Pagkatapos ipalabas ng latest movie niyang “Untrue” with Cristine Reyes on February 19, gagawin naman niya ang “Sa Muli” with Ryza Cenon.

Ayon sa aktor, hindi niya muna babalikan ang pagdidirek dahil aatupagin muna niya ang pag-arte.

Tanong namin kay Xian, ano ba ang natutunan niya sa unang beses na pagdidirek? Si Xian ang director ng 2019 Cinemalaya movie na Tabon.


“Para sa akin, just being true to who you are. Definitely you have to compromise and everyday it’s a learning experience,‘yon lang,” pahayag ni Xian.

“Natutunan ko rin bilang Ricky Lee student na yung paninindigan mo sa gusto mong gawin at sa gusto mong sabihin, dapat nando’n pa rin. It’s supposed to be there but of course with a little bit of compromise,” dagdag pa niya.
Aware rin si Xian na hindi maiiwasang may mga magki-criticize ng kanyang ginawa. Paano ba niya ito na-handle?

Aniya, “Upon entering and upon turning in the script pa lang I was already prepared sa mga sasabihin ng tao. Definitely, people always have something to say,  so yeah, I was ready naman. Tanggap lang nang tanggap. Learn from whatever it is you think you did wrong.”

Sa “Untrue” ay katrabaho ni Xian ang box-office director na si Sigfrid Bernardo. Ibinahagi rin ng aktor kung ano naman ang natutunan niya sa lady director.

Kuwento niya,  “She’s very intense. Hindi siya nagmo-move-on to the next scene or sasabihin na, ‘Okey na yan, ayusin na lang natin sa post prod o bawi na lang sa susunod.’ No. Never. Lagi niyang ginagamit yung word na yon – never.  She’s not gonna settle for less. I think that’s the perfect way to describe her.”

Bilib din siya sa dedikasyon ni Direk Sigrid sa kanyang craft.

“Sobrang dedicated si Direk Sigrid sa craft niya. And the obsession I see is that burning passion na ang galing lang, ang galing lang para sa isang nagsisimulang katulad ko to witness how she works. Hindi lang si Direk Sigrid, eh, I also wanna give credit to the people around her at sa lahat ng kasama namin sa production, everyone was there to help so it’s such an honor and laking pasasalamat ko na na-witness ko yon,” sambit pa ni Xian.

Palabas na ang “Untrue” simula February 19.