• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinagot ni Robi Domingo ang ilang tanong tungkol sa kaniyang non-showbiz girlfriend.

‘Sa akin, it helps’: Robi Domingo sa pagkakaroon ng non-showbiz girlfriend

Sinagot ni Robi Domingo ang ilang tanong tungkol sa kaniyang non-showbiz girlfriend.

BY
PUSH TEAM
Follow me on Twitter: PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/01/2020 01:24 PM
‘Sa akin, it helps’: Robi Domingo sa pagkakaroon ng non-showbiz girlfriend

Naging bukas ang Kapamilya host na si Robi Domingo sa mga tanong tungkol sa kaniyang pribadong buhay pag-ibig, sa naganap na event ng Greenwich pizza, nitong Biyernes January 31.

"I think it’s high time naman para ipakilala siya. Her name is Maiqui, I have been very vocal about her sa Instagram. And wala naman akong tinatago kasi she's a very, very pleasant girl filled with a different side of me. Kasi I'm into talking about non-sense, and siya yung parang may purpose sa buhay," kuwento ni Robi sa press.

Ayon pa sa Kapamilya celebrity, 'required' sa kaniya ang pagkakaroon ng bonding moments kasama ang pamilya ng girlfriend.


"I learned a lot from her. Kasi I came from a medical background, from my family, my parents are both doctors. Sa lahat ng finances tapos business aspects siya ang nagbibigay sa akin. So ngayon, mas geared ako sa preparing my future. It's nice kasi may katuwang ka," ani Robi.

Sweet! Robi Domingo surprised by non-showbiz girlfriend for his 30th birthday

Nang tanungin kung mas nakatulong ba sa kaniya ang pagkakaroon ng non-showbiz relationship, "It depends with each individual I guess. Pero sa akin, it helps," sagot niya.

 

 

Masaya man sa lagay ng kaniyang ngayon, sinabi ni Robi na wala pa sila sa planong pagpapakasal.

"Hopefully [siya na], kasi nag-iiba ako kapag kasama ko siya. Hindi talaga ako sweet as a person, when it comes to my relationships, but with her, ako yung clingy," dagdag ni Robi.

WATCH: Robi Domingo asks his mother if he can already propose to his girlfriend

Ipinakilala ni Robi ang bagong flavor ng pizza na handog ng Greenwich, ang Hawaiian BBQ Overload.