Dimples Romana to Criza Taa: 'She looks like Bea Alonzo'

Naging emosyonal ang ex-PBB OTSO teen housemate na si Criza Taa sa pagtatapos ng kaniyang kauna-unahang telserye na ‘Kadenang Ginto’.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/1/2020 12:36 PM
Dimples Romana to Criza Taa: 'She looks like Bea Alonzo'


Hindi napigilan ng Pinoy Big Brother OTSO alumna na si Criza Taa nang magpaalam sa pagtatapos ng Kadenang Ginto. Ito ang kauna-unahang proyekto ni Criza sa telebisyon matapos ang sinalihang reality TV show.

"It saved me," unang pahayag ni Criza sa press sa finale press conference ng Kadenang Ginto, nitong Miyerkules, January 29.

Paliwanag pa niya, "Kasi nung time na lumabas ako sa PBB, na-bash ako, sobrang bashed. Tapos nung nakapasok ako sa Kadenang Ginto, nagkaroon ako ng time na i-prove ko sa kanilang lahat na pangarap ko ‘to, kaya ko ‘to and patutunayan ko sa inyo. I'm so happy na napatunayan ko sa kanila na kaya ko."

Gumanap bilang Roxanne si Criza, ang anak ng karakter ni Joko Diaz na Hector, at isa sa mga malalapit na schoolmate nina Marga at Cassie, ang mga karakter nina Andrea Brillantes at Francine Diaz.

"Sobrang masaya ako sa kinalabasan ng Kadenang Ginto, I'm so happy na ito yung first show ko kasi sobrang ganda ng family, samahan, ng buong production," ani Criza.

Sa parehong press conference ay pinuri rin ni Dimples Romana ang pagganap ni Criza. Tinawag niya pa itong 'the next Bea Alonzo'.  

"I always say Criza is like Bea Alonzo, [because of] the caliber of her acting, she looks like her too," sabi ni Dimples habang iniisa-isa ang mga kapwa artista sa serye.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

This day is so special to me bacause A year ago, January 29, 2019 I started my first ever KG Taping and that day made me stronger. I was bashed by so many people but KADENANG GINTO SAVED ME. I'm thankful that I had a chance to prove to everybody that i'm more than what you think i am. I'm strong and I got this. Ever since that day i work hard and harder and exactly today January 29, 2020 here i am, Standing Confidently. Happy and Stronger. Also, I just hit 500K Followers here on Instagram todayyyy!!!! Kaya mag mula po sa puso ni Criza at ni Roxanne, Maraming maraming salamat po. And to my @starhuntabscbn & @dreamscapeph Family, Thank you so much! I wouldn't be able to do all of this kung wala ang supporta ninyong lahat! ❤️

A post shared by Criza Taa (@mscrizataa) on

 

Dimples Romana, emosyonal na nagpaalam kay Daniela Mondragon

Emotional Beauty Gonzalez: ‘I’m the healthiest I’ve been now in my life’

Nasa huling isang linggo na ang Kadenang Ginto. Mapapanood ito sa Kapamilya Gold, araw araw pagkatapos ng It's Showtime.