PANOORIN: Dani Barretto, ipinasilip ang kwarto ng anak na si Millie

Silipin ang kwarto ng anak ni Dani Barretto na si Millie.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/09/2020 12:31 PM
PANOORIN: Dani Barretto, ipinasilip ang kwarto ng anak na si Millie

Ipinasilip ni Dani Barretto ang kwarto ng kanyang anak na si Millie sa kanyang mga tagahanga. 

Marami sa mga kagamitan sa loob ng kwarto ni Millie ay bigay ng malalapit na kaibigan ni Dani at ng asawa nitong si Xavi Panlilio.

Regalo ni Julia Barretto ang kama ni Millie samantalang pamasko naman ng ina niya na si Marjorie ang kitchen set ng kanyang anak na bahagi ng play area nito. 


 

 

“Itong bed na ito was a gift from Julia. Ito ang birthday gift ni Julia kay Millie itong bed na ito,” pagbabahagi ni Dani.

“Itong kitchen set ni Millie, Christmas gift ‘yan ni Mommy sa kanya kasi ang story diyan, si Erich has one in her room and si Millie loves it so much. So si Mommy bought Millie her own,” ani Dani.

READ: ‘Our house is done’: Dani Barretto gives a glimpse of newly-constructed house

May sarili ding “walk-in closet” si Millie kung saan nakalagay ang mga damit nito at iba pang kagamitan. 

Sinigurado naman ni Dani na malinis at maayos na nakalagay lahat ng mga gamit nito sa tulong ni Issa Reyes ng Neat Obsessions. 

Samantala, nagbigay naman si Dani ng payo sa mga magulang tungkol sa pagsasaayos sa kagamitan ng kanyang anak.

 

 

“It’s always best to label your drawers para alam niyo kung saan ilalagay ‘yung mga bagay-bagay para hindi kayo ma-confuse at para hindi cluttered ‘yung mga gamit niyo,” payo ni Dani. 

Ipinasilip din ni Dani ang banyo ng kanyang anak na magiging banyo din ng kanilang magiging “future” na anak kung sakali man. 

“Adjacent ‘to … kung mapapansin niyo dalawa ang pintuan because if we have another kid, share sila ng banyo ni Millie. So ‘yun ‘yung whole concept kung bakit may door dito sa labas at meron ding door dito sa loob,” ani Dani.

Panoorin ang vlog ni Dani sa ibaba: 

Ipinaliwanag naman ni Dani kung bakit ngayon lang nila naipakita ang kwarto ni Millie na matagal na aniyang ni-rerequest ng kanyang mga tagahanga na masilip. 

“That’s her space dito sa buong bahay, of course. A lot of you have been asking about Millie’s room. We had to do a lot of improvements first before namin siya mapakita sa inyo. But I hope you guys enjoyed this video,” paliwanag ni Dani. 

READ: ‘I love you endlessly’: Dani Barretto shares birthday message for daughter Millie

Sa nasabing vlog, nabigyan din ang mga tagasubaybay sa kanyang YouTube channel na makita sa unang pagkakataon ang kanyang anak na naglalakad na.

 

 

“Ang tagal na rin namin siyang hindi nava-vlog kaya I’m sure maraming magugulat naglalakad na si Millie. So yeah, she’s already walking.