• Home
  • Fresh Scoops
  • Masaya si Dennis Padilla sa muling pagkikita nila ng kanyang anak na si Julia Barretto.

TINGNAN: Dennis Padilla at anak na si Julia Barretto, muling nagkita

Masaya si Dennis Padilla sa muling pagkikita nila ng kanyang anak na si Julia Barretto.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/07/2020 09:03 AM
TINGNAN: Dennis Padilla at anak na si Julia Barretto, muling nagkita
Photo credit: @dennisastig Instagram

Labis ang tuwa ni Dennis Padilla sa muli nilang pagkikita nila kamakailan ng kanyang anak na si Julia Barretto.

Ani Dennis, biglaaan ang nagiging pagkikita nila ng kanyang panganay na anak sa dating aktres na si Marjorie Barretto. 

“Biglang nagkita. Miss you anak,” saad ni Dennis sa caption ng isa niyang post. 


Sa isa pang post, hinimok ni Dennis ang kanyang mga tagahanga na manood ng kanyang bagong pelikula na Pakboys: Takusa sa tulong ni Julla. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Bagama’t hindi madalas magkita, patuloy na ginagabayan ni Dennis ang kanyang anak na si Julia tuwing may kinakaharap itong mga isyu. 

Nang magkaroon sila ng problema noon ng dating ka-love team na si Joshua Garcia, isa si Dennis sa nagsalita tungkol sa isyu.

BASAHIN: Dennis Padilla, gustong makausap si Joshua Garcia

Samantala, nagsalita din kamakailan si Dennis laban kay Jay Sonza nang atakahin nito ang kanyang anak. 

“Si Julia kapag may hinihinging advice 'yan, magte-text lang naman sa akin iyan. Hindi ko vino-volunteer 'yung advice ko kasi adult na siya. Kapag nagtanong lang siya ng ‘Papa what can I do?’ Doon lang ako nag-a-advise,” ani Dennis sa panayam nito sa ABS-CBN News. 

Maliban kay Julia, may dalawa pang anak si Dennis kay Marjorie Barretto. Ito ay sina Claudia at Leon. 

BASAHIN: Dennis Padilla, nag-iwan ng mensahe para kay Jay Sonza kaugnay sa pinakalat na tsismis tungkol sa anak na si Julia Barretto

Taong 1996 nang magpakasal sina Dennis at Marjorie. Matapos ang mahigit isang dekada, nagdesisyong maghiwalay ang dalawa.