• Home
  • Fresh Scoops
  • Paliwanag ni Janno Gibbs, comedy ang kanilang pelikula na ‘Pakboys: Takusa’ at ang pagpapatawa lang ang goal nito.

Janno Gibbs, hindi dapat hanapan ng life lessons at political correctness ang kanyang pelikula sa MMFF

Paliwanag ni Janno Gibbs, comedy ang kanilang pelikula na ‘Pakboys: Takusa’ at ang pagpapatawa lang ang goal nito.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/07/2020 01:08 PM
Janno Gibbs, hindi dapat hanapan ng life lessons at political correctness ang kanyang pelikula sa MMFF
Photo Credit: @jannolategibbs Instagram

Nagbigay ng reaksyon si Janno Gibbs sa controversial scene ni Dennis Padilla at ng transgender na si Francine Garcia habang umiihi ito nang patayo sa Metro Manila Film Festival entry na Pakboys: Takusa.

Katwiran ni Janno na siyang nag-suggest ng title na Pakboys, huwag hanapin sa kanilang pelikula ang meron sa ibang MMFF movies na ipapalabas simula December 25.

 


 

“I think it’s clear na this is not a movie na para hanapan n’yo ng life lessons and political correctness. I think we have a lot of other movies sa filmfest na makakahanap kayo ng ganu’n,” katwiran niya.

Dagdag pa niyang paliwanag, “This is purely humor—comedy ito. This is a straight-out comedy movie. This is not a heart-warning movie. This is not… yung maraming lessons, so, talagang straight pagpapatawa lang.”

Magkaganun man ay humingi din ng paumanhin si Janno sa mga taong ang pakiramdam ay na-offend sila.

“Sorry po kung… we are very sorry. Alam naming may mga na-offend but this is not a politically correct movie,” giit niya.

 

 

Dipensa naman ng ibang cast tulad ni Jerald Napoles, “Kung ano ang nakita mo online, naka-kahon lang doon yung opinion. Hindi mo naman mae-explain sa kung ilang libo silang nagreklamo. So, thank you sa comment.”

 Ayon naman kay Andrew E., halata raw na nag-enjoy si Francine habang ginagawa ang pelikula at wala rin daw itong reklamo kaya wala siyang nakikitang masama sa eksena.

Para naman kay Dennis hindi niya magagawang bastusin ang LGBTQ community dahil ang anak niyang babae ay kasal sa isa ring babae.

READ: Dennis Padilla denies disrespecting LGBTQ as his daughter is married to a woman

Samantala, ibinahagi rin ni Janno Gibbs ang kasiyahan na muli niyang nakatrabaho sa Pakboys si Angelu de Leon.

“Isang very exciting dito yung mga partners namin, yung mga leading ladies namin. Ako, I’m very happy to work with Angelu de Leon na matagal ko ding nakasama noon sa Ober Da Bakod and a lot of other films.

“Yung chemistry namin, proven na yan, eh. Hindi mo kasi mapi-fake yung ilang taon ng pagkakaibigan. Hindi mo kayang i-fake yon sa sandaling panahon lang,” masayang kuwento ng singer-actor.

Palabas na ang Pakboys: Takusa sa December 25 mula sa direksyon ni Al Tantay. Produced by Viva Films.