• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagsilbing house cleaner ni DJ Loonyo si Alex Gonzaga sa bago nitong condo.

PANOORIN: Alex Gonzaga, binista ang condo ni DJ Loonyo upang maging ‘house cleaner’

Nagsilbing house cleaner ni DJ Loonyo si Alex Gonzaga sa bago nitong condo.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/06/2020 10:30 AM
PANOORIN: Alex Gonzaga, binista ang condo ni DJ Loonyo upang maging ‘house cleaner’
Screenshots from Alex Gonzaga Official YouTube Channel

Bumisita si Alex Gonzaga kay DJ Loonyo na kakalipat lang sa bago nitong condo. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga)

Nagpanggap na house cleaner si Alex at inikot ang condo ni DJ Loonyo habang ini-interview ang dancer na sumikat dahil sa mga dance videos nito online. 


Sa nasabing vlog, napag-usapan din ang ilang personal na bagay kagaya ng pinakamatinding nagawa nito sa isang babae. 

Pagbabahagi ni DJ Loonyo, pinagsisihan niya ang ginawa niyang pang-two time noon sa ilang babae. 

READ: From Xennials to Gen Z: How DJ Loonyo captured the hearts of netizens with his dance covers

“Pinagsisisihan ko na. ‘Di siya nakaka-proud. Kasi kinarma ako ng sobra. Ang dami kong pagsubok,” aniya. 

Hindi naman napigilan ni Alex na itanong kay DJ Loonyo ang pagkahilig nito sa mga mamahaling brands nang makita nito na may designer brands sa loob sa kanyang cabinet. 

Sagot ni Loonyo: “Mga LV, mga Dior ganyan. Hindi naman kami mayaman. So galing talaga kami sa hirap. ‘Yung feeling ko, parang panalo na sa pakiramdam. Hindi ko siya binibili para maipagbmayabang. Kasi ayoko ‘yung feeling na tinalo ako ng bagay na ‘yan so babalikan kita.” 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Ipinanganak na Rhemuel Lunio, sumikat si DJ Loonyo sa kanyang mga dance videos sa Facebook kung saan kasalukuyan siyang mayroong 4.3 million followers sa Facebook. Pinasok din nito ang pagva-vlog sa YouTube. 

READ: Vlogger Toni Fowler slams DJ Loonyo’s claims: ‘Wag ka nang mambaliktad’

HIndi naman nakatakas sa samu’t-saring pambabatikos si DJ Loonyo matapos ang kanyang mga binitawang kontrobersyal na salita sa kalagitnaan ng pandemya. 

Naging usap-usapan din ang pagsasadula ng kanyang buhay sa telebisyon nang lumantad ang ina ng kanyang anak dahil sa umano’y maling pagpepresenta ng mga tunay na naganap.