• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinagot naman ni Aiko Melendez at ng kanyang boyfriend na si Jay Khonghun ang mga usap-usapan na naggagamitan lamang sila.

PANOORIN: Aiko Melendez, nag-walk out sa interview ni Ogie Diaz

Sinagot naman ni Aiko Melendez at ng kanyang boyfriend na si Jay Khonghun ang mga usap-usapan na naggagamitan lamang sila.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/06/2020 02:16 PM
PANOORIN: Aiko Melendez, nag-walk out sa interview ni Ogie Diaz
Screenshots from Ogie Diaz YouTube Channel

Nag-walk out si Aiko Melendez sa pinakabagong vlog ni Ogie Diaz. Ngunit ano nga ba ang dahilan nito? 

Sa panibagong vlog ni Ogie, napag-usapan ang tungkol sa releasyon nina Aiko at Zambales Vice Governor Jay Khonghun. 

Dito, naging bukas sina Aiko at Jay kung paano nila kinakaharap ang kanilang mga problema bilang mag-dyowa. 


“Depende mother kung ano ang pinag-awayan namin kasi meron kaming mga times na may away kaming malalim, may times na may away kami na hindi ganu’n kalalim. Depende kung ano’ng klaseng away,” kwento ni Aiko. 

Pagbabahagi naman ni Jay: “Minsan pag na-rerealize din natin kung sino ‘yung mas may mali. So siyempre kung sino ‘yung may mali, siya dapat ang mag-sorry kasi nature namin parehas na may mga opinyon kami sa mga bagay-bagay kasi du’n nagkaka-problema.” 

Inamin naman ni Aiko na ang tanging pinagku-kwentuhan lamang nito ay ang malalapit niyang kaibigan gaya nga ni Ogie. 

Kaya laking gulat nito nang malaman na humihingi si Jay ng opinyon sa isang babae tungkol sa kanilang mga problema. 

READ: Aiko Melendez, inaming napag-uusapan nila ni Jay Khonghun ang pagpapa-freeze ng kanyang eggs

Dahil sa sunod-sunod na pang-iintriga ni Ogie, hindi napigilan ni Aiko na magalit at mag-walk out sa interview.

Mother, bakit mo kinakargahan si Jay? Nakakahiya dito sa YouTube channel mo. Napapahiya ‘yung tao. Napapahiya din ako. Kaibigan mo ako, dapat pinoprotektahan mo ako dito. Ano ba naman ‘to Mother? Vlog mo ‘to. Dapat protektahan mo ako. Nakakahiya. Maghihiwalay kami nu’ng tao sa vlog mo,” saad ni Aiko kay Ogie. 

Ngunit ang hindi alam ni Ogie ay pina-prank lamang siya nito. 

Panoorin ang video sa ibaba:

Naitanong din kina Aiko at Jay kung ano ang kanilang reaksiyon tungkol sa mga usap-usapan na naggagamitan lamang sila. 

“Wala akong reaksiyon. Hindi ko pinapatulan. Alam ko naman sa sarili ko kung ano ang katayuan ko sa kanya, kung ano ang katayuan niya sa akin. Hindi ko binibigyan ng reaksiyon ang mga ganung bagay kasi hindi siya worth it na patulan,” sagot ni Jay. 

PANOORIN: Aiko Melendez, naging emosyonal sa sorpresa ni Jay Khonghun sa kanilang third anniversary

More on mas nagtutulungan kami. ‘Yung ang right term. Nagtutulungan kami kasi sino pa ba ang magtutulungan kundi kami lang naman ‘di ba? Bakit naman ‘yung ibang tao pa ang tutulungan namin kundi kami nalang. It’s a partnership. It’s a give-and-take situation,” saad ni Aiko. 

Aminado naman sa aktres na sumasagi pa rin sa kanyang isipan ang pagpapakasal. “It’s every woman’s dream to settle down, to have my own family,” saad ni Aiko. 

Nang tanungin kung bakit hindi pa ito nangyayari, sagot ni Jay: “Actually ako naman wala naman question kasi pareho naman namin gusto ‘yun. Bigyan lang namin ‘yung mga sarili namin pa ng panahon, ng time.”