• Home
  • Fresh Scoops
  • Dennis Padilla, umaasang marami ang mapapasaya sa kanilang MMFF entry na

Dennis Padilla, natutuwa kay Jerald Napoles na marunong rumespeto sa senior stars

Dennis Padilla, umaasang marami ang mapapasaya sa kanilang MMFF entry na

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/06/2020 08:43 AM
Dennis Padilla, natutuwa kay Jerald Napoles na marunong rumespeto sa senior stars
Photo Credit: @dennisastig and @ iamjnapoles Instagram

Ayon kay Dennis Padilla, marespeto sa senior stars na kagaya niya si Jerald Napoles. Madali raw nilang nakasundo nina Andrew E at Janno Gibbs ang aktor habang ginagawa nila ang pelikulang Pakboys: Takusa ng Viva Films na kasali sa 2020 Metro Manila Film Festival.

Aniya, “Kaya nag-blend in si Jerald kasi marunong siyang rumespeto sa mga nakatatanda sa kanya. Importante yon sa work ethics mo, eh.

READ: Jerald Napoles, hindi ine-expect na makakatrabaho ang tatlong comedy icons na sina Janno Gibbs, Andrew E., at Dennis Padilla


“I learned that from my father. Kapag may kasama kang mas senior sa inyo, ‘you should give respect para ang umpisa pa lang ng working relationship n’yo smooth na. And I saw that with Jerald.”

“He respected us as his seniors. So, because binigyan mo kami ng respeto, bibigyan din namin ng respeto ‘yong galing mo. Papa-angatin ka rin namin at yung idea mo magamit din namin. Tapos yung idea namin magamit mo rin.

“Kaya give and take, kasi siya yung younger generation, eh. So, may natutunan siya sa amin, may natutunan din kami sa kanya. Kaya maganda ‘yong acceptance. Kaya mas nakakatawa yung pelikula,” dagdag niyang pahayag.

Nagbigay pa ng sarili n’yang kahulugan ng “pakboys” si Dennis.
 
Sey n’ya: “Siguro, sa mga panahon ngayon, ito ‘yong ginagamit ng mga millennials na ang ibig sabihin e ‘lover boy’ noong araw. Parang ganu’n. ‘Chick boy.’ ‘Di ba, nu’ng time ng mga ‘70s, ‘lover boy, ‘80s, ‘90s, parang naging ‘chick boy.’
 
“Ngayon, ito na ‘yong millennial term nila... pag ka ikaw ay gustuhin ng mga girls, ‘pakboys.’ ‘Yong maporma sa damit, maporma sa kotse, maporma sa music… Pakboy ka.”

Komedi ang Pakboys pero meron din naman daw aral na mapupulot ang mga manonood ng pelikula.

“Kapag nag-asawa ka na, you really have to be faithful to your wife. Kasi baka mamaya mawala pa sila. May lesson naman ‘to, eh,” sambit niya.

“May kalokohan kami sa movie, may mga chicks, pero at the end humingi kami ng tawad sa aming mga asawa at hindi na namin uulitin yung aming kamalian. Sa pelikulang ito, sinasabi namin na it’s not worth na magloko ka kung meron ka ng steady partner kasi baka mawala pa. So yon yung lesson ng pelikula,” pagmamalaki niya sa moral lesson ng Pakboys.

May mensahe rin ang aktor sa mga lalaking nambababae kahit may girlfriend at asawa na.

“Para du’n sa mga chick boy, lover boy or pakboys, mag-ingat kayo. Baka mabuko kayo ng wife o girlfriend n’yo. Mawala pa yan, ingat,” tagubilin ng komedyante.

Lastly, naniniwala si Dennis na kahit sa sandaling oras ng panonood ng mga taos sa kanilang pelikula ay makakalimutan nila ang problema at malilibang sila.

“Ngayong may pandemya, maraming tao ang malungkot dahil unang-una, walang trabaho. Number two, siyempre, lagi kang may anxiety kung lalabas ka.

“With this movie, siguro mabibigyan namin kayo ng one and half hour na kaligayahan.  Halos one year din tayong naging malungkot. Maliban du’n sa virus, maliban du’n sa COVID, apat o limang bagyo pa yung dinaanan natin.

“Talagang naging malungkot yung buhay ng maraming Filipino. Kaya bagay ito sa Christmas para sa konting oras, eh, makaramdam tayo ng saya," pahayag pa niya.