• Home
  • Fresh Scoops
  • Magsasamang muli ang Kita Kita stars na sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez sa isang proyekto na ididirek ng Kita Kita director na si Sigrid Bernardo.

Alessandra de Rossi at Empoy Marquez, magrereunion sa isang proyekto

Magsasamang muli ang Kita Kita stars na sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez sa isang proyekto na ididirek ng Kita Kita director na si Sigrid Bernardo.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/06/2020 02:09 PM
Alessandra de Rossi at Empoy Marquez, magrereunion sa isang proyekto
Photo credit: @msderossi Instagram

Magsasamang muli ang Kita Kita stars na sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez sa isang proyekto.

Nitong Sabado, December 5, nagpost sa kanyang Instagram page si Alessandra ng litrato nila ni Empoy. Bagama’t walang binanggit na detalye kung ito ba ay para sa pelikula o teleserye, nagpahiwatig naman si Alessandra na ito ay isang pagbabalik ng AlEmpoy. Aniya sa caption, “Ang pagbalik.. ng economy class tandem... #alempoy #walangkaparis directed by @sigridandreapbernardo, once again... 😂😂😂😂 Here we go, @empoy!”  


Sa isa naman post ni Alessandra, nagbiro pa ito at sinabing, “Never ko inexpect na makakatambal ko si Johnny Depp. Pero hashtag blessed nalang! Salamat sa chance @sigridandreapbernardo! @empoy and the universe! #alempoy.”

Sumikat ang tambalang AlEmpoy nang magsama sila sa 2017 romantic-comedy film Kita Kita na idinirek ni Sigrid Andrea P. Bernardo na siyang direktor din ng bago nilang proyekto. Naging successful ito at tumabo ng ₱320 million sa box office.   

Sa kanilang guest appearance sa Magandang Buhay noong 2017, sinabi ni Empoy na artistic at maaalalahanin si Alex, samantala good vibes naman daw ang hatid ni Empoy kay Alessandra.

Matapos ng kanilang movie ay nabigyan ang tambalan nila ng pagkakataon bumida sa isang primetime teleserye sa ABS-CBN kasama sina Piolo Pascual at Arci Munoz – ang Since I Found You taong 2018.