• Home
  • Fresh Scoops
  • Natupad ang pangarap ni Ivana Alawi na maging isang calendar girl ng isang sikat na brand ng rum.

TIGNAN: Mga sexy photos ni Ivana Alawi bilang calendar girl

Natupad ang pangarap ni Ivana Alawi na maging isang calendar girl ng isang sikat na brand ng rum.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/05/2020 11:28 AM
TIGNAN: Mga sexy photos ni Ivana Alawi bilang calendar girl

Si Ivana Alawi ang napiling calendar girl ng Tanduay para sa taong 2021. At para sa sexy star, dream come true na maging calendar girl ng isang sikat na brand ng rum.

“Happy ako na ako ang napili,” pahayag ni Ivana. “Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na maging calendar girl. Masaya rin ako dahil positive ang feedbacks ng photos at collab namin with Mark Nicdao. Proud ako to be part of Tanduay's family,” dugtong niya.

Ayon naman kay Paul Lim, Senior Vice President for Sales and Marketing ng Tanduay Distillers, Inc., nakita nila kay Ivana ang mga katangian na hinahanap nila sa isang calendar girl.


She's our perfect choice. She embodies the qualities we look for in a modern calendar girl. She’s strong, hardworking, and has a heart for helping others. She also knows when to relax and have a good time with friends and family. We gladly welcome her here at Tanduay,” aniya.

READ: Ivana Alawi supports women empowerment: ‘I’ve experienced so many harassments’

Dahil bubulaga ang seksing katawan ni Ivana sa mga kalendaryo sa 2021 ay tiyak na lalong madaragdagan ang mga lalaking magpapantasya sa kanya.

Komportable ba siyang pinagpapantasyahan ng kalalakihan?

Tugon niya, “Nakakatuwa at nakaka-flatter yung ganun. To be admired, ibig sabihin, may qualities silang nakita sa akin na worth admiring,” lahad niya. “Pero siyempre, mas gusto ko pa rin na makilala ako as an actress,” hirit ni Ivana.

Samantala, matatandaang noong hinagupit ng bagyong Ulysses ang Cagayan ay naging abala si Ivana sa paghahatid ng tulong sa mga nasalantang pamilya. Nag-organisa rin siya noon ng relief operations para sa mga pamilyang apektado ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

READ: Ivana Alawi flies to Cagayan to distribute relief goods to typhoon victims

Ipinanganak bilang Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi, si Ivana ay isang half Moroccan at half Pinay.

Bilang isang popular social media personality, si Ivana ay may 6.3 million followers sa Instagram at 10 million subscribers sa YouTube channel.

Bilang 2021 Tanduay calendar girl, magiging kahanay na si Ivana sina Heart Evangelista, Jessy Mendiola, Erich Gonzales, Jennylyn Mercado, Bela Padilla, at Barbie Imperial.