• Home
  • Fresh Scoops
  • Kiefer Ravena sa isang basher: ‘Kung pagalitan mo ako parang tropapis tayo.’

Kiefer Ravena, sinagot ang basher

Kiefer Ravena sa isang basher: ‘Kung pagalitan mo ako parang tropapis tayo.’

BY
-- Choose an Author --

FRESH SCOOPS

12/05/2020 02:04 PM
Kiefer Ravena, sinagot ang basher
Photo credit: @kieferravena15 Instagram

Sinagot kamakailan ng PBA player na si Kiefer Ravena ang isa niyang basher.

Kasunod ito ng upcoming launch ng Air Jordan IV Retro Manila Shoes na isang limited edition line na specially made sa pagbubukas ng Nike Park Philippines Jordan sa Bonifacio Global City, Taguig.

Ayon sa official post ng Nike Park Philippines, limitado lang sa 150 pairs ng Air Jordan IV Retro Manila.


Dahil sa limitadong bilang ng sapatos na maaring ibenta, tila hindi napigilan ng isang netizen na tawagin ang atensyon ng player na namataan na naglalakad sa isang bahagi ng Bonifacio High Street sa Taguig suot ang limited edition na sapatos.

“Ravena hindi pa nga release suot mo na agad kasama pa hangtag,” post ng netizen sa kaniyang Facebook.

Tinawag rin ng nasabing netizen ang atensyon ang Nike Park Philippines at sinabing “Nike Park Philippines bigyan niyo naman kami chance puro na lang f&f niyo meron,” ani pa ng netizen sa post

 

 

Photo Credits to the Original Owner

Hindi naman napigilan ni Kiefer na sagutin ang netizen at sinabing: “Boss, Nike mismo nagpasuot sa akin niyan. Anong gusto mong gawin ko,” tugon ni Kiefer kasunod ang tatlong laughing emoji.

 

 

Sundot pa ni Kiefer sa sumunod na post: “Kung pagalitan mo ako parang tropapis tayo eh last name basis pa,” pabirong pahayag ng PBA player.

 

 

Samantala, ilang celebrity rin ang namataan na pumila nitong unang araw ng Disyembre para magpalista sa gaganapin na bentahan ng limited edition Air Jordan IV Retro Manila Shoes.

Kabilang na sina Nadine Lustre at James Reid sa mga maagang pumila para personal na magpalista.