• Home
  • Fresh Scoops
  • Asahan pa ang mas maraming endorsement sa bagong yugto sa karera ni Bea Alonzo.

Sinimulan na ni Bea Alonzo ang bagong chapter sa kanyang career

Asahan pa ang mas maraming endorsement sa bagong yugto sa karera ni Bea Alonzo.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/04/2020 01:52 PM
Sinimulan na ni Bea Alonzo ang bagong chapter sa kanyang career
Photo Credit: @beaalonzo Instagram

Kasunod nang malaking pagbabago sa management team ni Bea Alonzo, tila buhay na buhay ngayon ang nakalinyang endorsement career ng aktres.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr)


 

Kabilang na sa mga nakalinyang endorsement deals ng aktres ang kaniyang pagiging bahagi sa Beautéderm corporation kung saan pormal na ipinakilala ang aktres bilang bagong endorser.

Para pa sa businesswoman na si Rhea Anicoche-Tan, dream come true na maging bahagi ng lumalaking pamilya ng kaniyang kompanya ang prime actress.

“I admire Bea. It has always been a dream of mine to collaborate with her as an endorser of Beautéderm. At first it really seemed to be a farfetched dream because of the humble beginnings of the company so my team and I worked very hard until the day finally came when it became a reality. It took me 11 years to make my dream come true and Bea is truly worth the long wait,” sabi pa ng businesswoman.

 

 

Ito rin ang unang proyekto ni Bea sa kaniyang bagong manager na si Shirley Kuan na kilala sa pag-handle ng endorsement deals ng kaniyang mga alaga.

Sa katunayan, si Shirley Kuan rin ang nag-handle ng ilang commercial deals ng ilang bituin kabilang na sina Coco Martin at KC Concepcion.

“It was such a joy to deal with Bea and her manager, Ms. Shirley Kuan. She is so professional and so humble, she is everything that I imagined her to be,” pahayag pa ng businesswoman.

Excited naman ang aktres sa bagong blessings na ito sa kaniyang karera na masayang maka-bonding ang business owner.

“I was glad to finally meet her in our shoot. I like being around strong and empowered women. I so am excited for our future campaigns,” ani Bea.

Ayon pa kay Bea, mahalaga rin sa kaniya ang bagong endorsement dahil sa panahon ngayon ng COVID-19.

“An antibacterial mouth spray is part of the brand’s all-natural healthcare line as it is every consumer’s partner in health and beauté. These days, I use Etre Clair all the time, and I suggest for everyone to use it as often to protect ourselves, especially in these difficult times. Plus, it is organic and mint flavored, it will leave your mouth feeling fresh,” pahayag pa ng aktres.

Sa ngayon, mainit na inaabangan pa rin ang reunion movie ni Bea sa aktor na si John Lloyd Cruz na isa ngayon sa pinag-uusapan ng kaniyang mga fans.